P84-M rehab center, maitatayo sa Ilocos

Ben P. Pacris

VIGAN CITY –  Para lubusang mareporma at makapagbagong buhay ang  tinatayang 4,000 drug surrenderees sa Ilocos Sur, maitatayo ang rehabilitation center na nagkakahalaga ng P84 milyon sa tulong ng Department of Health.

Ito ang iniulat ni Bise Gobernador Jeremias Singson sa naganap na “Kapihan iti Amianan” Media Forum sa  Sangguniang Panlalawigan Session Hall sa Kapitolyo noong nakaraang Linggo.

Aniya, 290  dito ay mga tulak at 30 sa kanila ay apektado na ang pag-iisp at kalusugan.

“Hindi inaasahan na ganito na pala karami ang mga drug users sa lalawigan at marami pa sigurong susuko kaya nararapat lang na maitayo na ang isang rehabilitation enter sa lalawigan,” diin ni Singson.

Ayon pa sa presiding officer ng Provincial Board, ang naturang imprastraktura na maitatayo sa Camp Elpidio Quirino ay magsisilbing gabay ng mga sumukong gumagamit at tulak ng droga sa pamamagitan ng lubusang rehabilitasyon.

Ngunit, habang hindi pa naitatayo ang rehab center, sinabi ni Singson na pansamantalang dadalhin ang ilang malala na ang kalagayan sa pribadong center sa Vigan City at Cabugao kung saan siguradong tutulong ang provincial government para maisalba ang mga kababayang ito.

Hinikyat din niya ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa probinsiya na magpatupad ng drug test sa lahat ng mga opisyal at empleyado pati ang mga opisyal ng  barangay para matanto kung sino ang mga gumagamit ng droga at para din maipakita sa taong bayan na walang bahid ang kanilang pagsisilbi.

Dagdag pa nito, kailangang maging aktibo ang Provincial, Municipal at Barangay Anti-Drug Abuse Councils para mapaigting ang kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng barangay dialogue, intel network, Ronda System at sports development program.

Tutulong din ang provincial government sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mapagkalooban ng livelihood projects at skills trainings ang mga marerepormang drug users para lubusang makapag-bagong buhay. (JNPD/BPP/PIA-1,Ilocos Sur)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s