Kabataang Pangasinense hinikayat ng Comelec na magparehistro para makaboto sa SK election

April M. Montes

PANGASINAN – Hinihikayat ng Commission on Elections (Comelec) and mga kabataang Pangasinense na magparehistro mula ika-15 hanggang ika-30 Hulyo para sa gaganaping Sangguniang Kabataan (SK) election sa Oktubre 31 ngayong taon.

Ayon kay Atty. Marino Salas, provincial election supervisor, ang mga kabataang Pangasinense na may gulang na 15 hanggang 30 taon na hindi pa rehistradong botante ay maaring magtungo sa  tanggapan ng Comelec sa kanilang lugar upang sila ay makapagparehistro.

Aniya, ang pagbabago sa edad ng mga botante para sa SK election ay naaayon sa Comelec Resolution No. 10148 na kung saan, mula sa edad na 15 hanggang 17 ay pinalawig na sa edad na 30 ang mga maaaring makaboto sa nabanggit na halalan.

Nilinaw niya na ang mga rehistradong botante na nakaboto sa naganap na eleksyon noong ika-siyam ng Mayo na may edad na 18 hanggang 30 taon ay hindi na kinakailangan pang muling magparehistro dahil otomatiko na silang kabilang sa listahan ng mga botante sa SK election.

Dagdap pa ni Salas, may sistemang gagamitin ang Comelec na siyang tutukoy mula sa kanilang rekord kung sinu-sino sa mga nakarehistrong mga botante ang may edad na 18 hanggang 30 taon at kwalipikadong makaboto sa SK election.

Inabisuhan nito ang mga nais magparehistro na magdala ng dalawang valid ID gaya ng office ID, PWD discount ID, driver’s license, SSS/GSIS ID, student ID, passport, NBI clearance o anumang dokumento na nagpapakita ng petsa ng kapanganakan at kasalukuyang address.

Ang mga tanggapan ng Comelec ay bukas araw-araw mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon kahit pa weekend o holiday upang magsagawa ng voters’ registration. (JNPD/AMM/PIA-1, Pangasinan)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s