Tagalog News: Buwan ng Nutrisyon ipagdiriwang sa Pangasinan

 

April M. Montes

LUNGSOD NG SAN DAGUPAN, Hulyo 11 (PIA) – Pangungunahan ng Provincial Health Office (PHO) ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo na may temang, “First 1000 Days ni baby pahalagahan para sa malusog na kinabukasan.”

Inihayag ni Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, provincial health officer, na layunin ng taunang pagdiriwang na mabigyan ng kamalayan ang bawat Pilipino at hikayatin sila na bigyang-atensyon ang kahalagahan ng wastong nutrisyon.

Ani De Guzman, maglilibot ngayong buwan ang mga kawani ng PHO sa iba’t ibang istasyon ng radyo sa lalawigan ng Pangasinan upang talakayin at ipalaganap ang mga impormasyon ukol sa tamang nutrisyon.

Ilan pang mga  aktibidad na inilatag ng PHO ay ang pagsasagawa ng Buntis Congress sa Hulyo 13 sa bayan ng Villasis, cooking demonstration sa Hulyo 27 sa bayan ng Lingayen at pagpupurga ng mga bata na may edad mula isa hanggang apat na taon kabilang din ang mga mag-aaral na nasa elementarya at hayskul.

Dagdag pa ni De Guzman na kanilang papalaganapin ang mga benepisyo at kahalahagan ng pagpapasuso sa mga sanggol dahil makatutulong ito nang malaki para sa kalusugan ng bata. (JNPD/AMM/PIA-1, Pangasinan)

– See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1941467794152/tagalog-news-buwan-ng-nutrisyon-ipagdiriwang-sa-pangasinan#sthash.yGWED2Dk.dpuf

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s