Operation Listo, inilunsad ng DILG

Ni Danilo Role
SAN FERNANDO CITY – Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Region 1 kamakailan ang proyektong ‘Operation Listo’ na tumatalakay sa paghahanda kapag may sakuna sa bansa.
Ayon kay Julie Daquioag, acting Director ng DILG Region 1, mayroong checklist na susundan ng mga local chief executives kapag paparating ang bagyo, habang ito ay nanalasa at hanggang sa ito ay makalabas ng bansa.
Ayon kay Marivel Sacendoncillo, Executive Director ng Local Government Academy (LGA), makakatulong ang proyekto sa komunidad lalo na ang local na pamahalaan sa pagbibigay ng direksyon tuwing may sakuna.
Sa ilalim ng proyekto, nararapat na magbabala ang isang mayor sa komunidad sa pamamagitan ng istasyon ng radio kapag may advisory ang PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration sa paparating na bagyo.
Nakasaad sa weather advisory sa mga himpilan ng radio kung kelan at posibleng oras ng pagdating bagyo, gaano ito kalakas, anong mga lugar ang tatamaan at kung ano ang dapat na ihandang mga gamit o survival kits.
Dagdag pa ni Sacendoncillo, kailangang maka-recruit ang local na gobyerno ng mga kabataan bilang volunteers sa disaster risk reduction management desk.
Para sa inyong impormasyon at kaalaman, tumawag o magsadya sa DILG1 sa telepono 072-888-31/06/888-22-94, email ad: dilg_r1@yahoo.com or DILG Central Office 02-925-0320 to 23 or website: http://www.dilg.gov.ph (MCA/DTR/PIA1-La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s