Rescue volunteers sa Ilocos Sur

Ni Ben Pacris
VIGAN CITY – Nangangailangan ang lokal na gobyerno ng Vigan ng karagdagang rescue volunteers bilang paghahanda sa mga malalakas na bagyo na maaring sumalanta sa bansa.
Ayon kay Action Officer Michael Chan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), puspusan ang recruitment ng mga boluntaryong kapuwa Ilokano na bubuo sa Rescue Team ng PDRRMC para mag-responde sa mga 34 na bayan kabilang na ang Heritage City kung may kalamidad at emerhensya lalo na ang bagyo.
“Nakakaalarma ang banta ng Abra River kapag may super typhoon na magdudulot ng storm surge at apektado ang mga kababayan nating naninirahan sa mga mababang lugar kabilang na ang Vigan ,” iginiit ng opisial ng PDRRMC.
Sinabi niya na patuloy ang recruitment at training sa tulong ng iba’t-ibang Local Government Units (LGU’s) sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para mapalakas ang Rescue Team sa bawat barangay at bayan dahil tumitindi na ang epekto n g “Climate Change”.
Sinabi ni Chan na inilunsad na ang Water Search and Rescue Trainings para sa mga boluntaryong Tanod, mangingisda at pati mga miyembro ng polisya at nongovernment organizations (NGO’s) sa mga coastal town ng Bantay, San Ildefonso, Magsingal, Sta. Catalina at susunod ang mga bayan sa Segundo Distrito
Maliban sa posibleng “ storm surge” sa mga coastal areas sa Ilocos Sur, sinabi ng Action officer na nakakaalarma din ang dulot ng malakas na lindol sa lalawigan lalo na nasa “fault line” ang Santa na posibleng lilikha ng “tsunami”.
Sa tulong ng pamahalaang probinsyal na pinamumunuan ni Gob. Ryan Singson naka- ready na ang mga modernong rescue equipment at sasakyan kabilang na ang mga motor boats at pati ang mga kagamitan para sa pag-responde sa mga aksidente sa lansangan, idinagdag niya..
Sinabi pa ni Chan na binabansagang “Orange Boys” ang mga kasapi ng Search and Rescue Team at Emergency Response Team dahil ang orange ang “International Color” ng rescue at hindi sila preso na orange din ang kulay ng damit. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s