DOH ikinampanaya ang tamang pagsisipilyo

By Cherry Joy D. Garma
LUNGSOD NG LAOAG – Naglaan ng lektyur ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH kasama ang Laoag City Health Office (LCHO) sa mga mag-aaral ng day care ukol sa tamang paraan ng pagsisipilyo para mapangalagaan ang ngipin.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ‘Oral Health Care Month” sa buwan ng Pebrero, nagtalaga ang DOH ng sabayang pagsisipilyo sa buong region 1 kahapon ng umaga.
Mayroong 750 na mag-aaral sa day care dito ang nakiisa at nakisali sa sabayang pagsisipilyo bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa kalusugan ng ngipin.
Bago pa ang ginawang pagsisipilyo, tinuruan muna ang mga bata ng tamang paraan ng pagisispilyo sa pamamagitan ng isang ‘demo-lecture’.
Gamit ang isang malaking modelo ng ngipin at sipilyo, ipinakita sa mga bata ang mga hakbang sa tamang pagsisipilyo mula paglalagay ng ‘toothpaste’ hanggang sa pagmumumog.
Sinabi ni Dr. Ramosito Bernabe, dentista ng Laoag City Health Office na mahalagang matutunan ng mga bata ang tamang paraan ng pagsisiplyo upang maiwasan ang pagkasugat sa bunganga.
“Kapag hindi maayos ang pagsisipilyo, maaring magdulot ito ng injury o sugat sa bunganga imbes na makatulong ito sa pagpapanatili sa kalusugan,” aniya.
Maaari din daw na magdulot ng pagkasira ng ngipin kung mali ang direksiyon na ginagawa sa pagsisipilyo.
“Dapat mula sa taas pababa ang direksiyon at hindi pahalang o horizontal kasi maaaring mapudpod ang ngipin kapag pahalang ang direksiyon ng pagsisipilyo,” dagdag ni Bernabe.
Sinabi naman ni Dr. Renato R. Mateo, hepe ng CHO na malaki ang gampanin ng mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak upang mapanatili ang malusog na ngipin.
“Kaya naming sila isinali dito sa programa na ito ay dahil alam naming na sila ang unang makapagtutro sa kanilang mga anak ng tamang pangangalaga sa sarili,” sabi ni Mateo.
Maliban pa dito, itinuro din sa mga magulang ang pag-iwas sa mga pagkaing nakakasira sa ngipin lalo na ang matatamis gaya ng kendi at lollipop kung hindi man daw maiwasan ay magmumog ng tubig agad o magsipilyo.
Ang programang ito ay alinsunod sa “Oral Health Care Month” na may temang “Nakangiti ang Kinabukasan Kapag Ngipin ay Pinangangalagaan” (MCA/CDG, PIA-1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s