PIA, mamamahayag sa Ilokos naparangalan sa pagtaguyod sa kultura

Ni Ben P. Pacris

VIGAN CITY – Dahil sa naitulong sa preserbasyon at promosyon sa kultura at tradisyon ng mga Ilokano para sa mga susunod na henerasyon, pinarangalan ng pamahalaang probinsyal ang mga mamamahayag sa radio, telebisyon, at pahayagan sa Ilocos Sur bilang bahagi ng “Kannawidan” Festival sa Quirino Stadium sa Bantay noong Peb. 8.
Mismong sina Gob. Ryan Singson at Bise Gob. Deogracias Victor “DV” Savellano ang nagbigay ng “Plake ng Karangalan” sa iba’t-ibang media outlet tulad ng DZVV Bombo, DWRS Commando, DZTP Tirad Pass, Philippine Daily Inquirer, Bulletin Today, IHC Cable, TVigan, UPS Cable, PTV Ilokos ABS CBN, GM Ilokos, Radyo ng Bayan at Philippine Information Agency.
“Ang media ang nagsisilbing tulay para maiparating ng pamahlaan ang mga mahahalagang impormasyon sa taong bayan,” idiniin ng gobernador sa kanyang mensahe sa Iluko.
Sinabi niya na sa ika- walong selebrasyon ng Kannawidan (Tradition) Festival ito ang kauna-unahang “Media Night” na inilunsad bilang bahagi ng mga cultural activities para maparangalan ang mga kasapi ng media na malaki ang kontribusyon sa kaunlaran pati ang preserbasyon ng kulturang Ilokano.
“Dahil sa inyong mga sakripisyo sa mga media coverage at information dissemination malaki ang inyong naitulong para maiparating sa madla ang mga programa at serbisyo ng gobyerno,” iginiit ng dating Kongresista sa Primero Distrito.
Hinikayat din ni Vice Gov. DV ang mga miyembro ng media na tumulong sa kampanya ng turismo sa Heritage Province dahil maliban lamang sa Vigan City, na nasa “New 7 Wonder Cities of the World” marami pang magagandang tanawin at makasaysayang gusali sa Primera Klaseng Lalawigan.

Nagbigay aliw sina Rey Valera na nagpasikat sa awiting “Maging Sino Ka Man” at “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” na sinasabayan ng mga Ilokanong manonood, si Marco Sison na umaatikabong palakpakan ang bumuaga sa Quirino Stadium nang awitin niya ang signature song na “My Love Will See You Through”. Umawit din ang seksing singer at artista na si Jessa Zaragoza .
Ang 10 araw na festival ay tinampukan ng “Trade Fair” na itinataguyod ang mga local na produkto o “One Town, One Product” (OTOP) at traditional industries, zazuela, quiz bee, paligsahan sa pagsusulat ng tulang Illuko at ang koronasyon ng “Saniata ti Ilocos Sur”. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s