Mas maigting na relasyon ng Ilocos Sur at Canada para sa turismo at kalakalan

Ben P. Pacris
VIGAN CITY – Inihayag ni Canadian Ambassador to the Philippines Neil Reeder na mapapaigting ang relasyon ng Canada at Ilocos Sur sa larangan ng turismo, kultura at kalakalan para sa kaunlaran.
Ito ang binigyang-diin ni Ambassasor Reeder sa pakikipanayam ng media sa Kapitolyo pagkatapos ng kanyang courtesy call kay Gob. Ryan Singson noong nakaraang Linggo na kung saan binisita niya ang Heritage City na kabilang na sa “New 7 Wonder Cities of the World.”
Sinabi ng Canadian Ambassador na tutulong ang kanyang embahada na maitaguyod ang mga tinaguriang “One Town. One Product” (OTOP) at traditional industries ng probinsya sa Canada na kung saan maraming mga Filipino lalo na ang mga Ilokano ang nagtratrabaho at naninirahan.
Sinabi pa niya na tutulong din ang Rotary Club of Canada para makapag-donate ng mga medical equipment tulad ng hospital bed, dialysis machines at iba pang kagamitan para sa mga ospital ng gobyerno tulad ng Gabriela Silang General Hospital sa Vigan na nakakatulong sa mga mahihirap na Ilokano.
Pati ang shipping ng mga bagong medical equipment mula sa Canada gastos na rin ng Rotary International na may iba’t-ibang chapters din sa Pilipinas kabilang na ang aktibong Rotary Club of Vigan.
Ayon pa rin sa Ambassador na napakagandang lugar ang Vigan na nakaukit din sa “World Heritage Sites” ng UNESCO at dapat pangalagaan o mapreserba para sa mga susunod na henerasyon dahil ito ang sentro ng turismo sa lalawigan.
Sinabi rin ni Gob. Singson na magaganap ang sisterhood agreement ng Canada at Ilocos Sur kabilang na rin ang Heritage City ng Vigan na pinamumunuan ni Mayor Eva Medina sa mga darating na araw para lalong mapaunlad ang larangan ng industriya at turismo lalo na ngayon na dumadami na ang mga dumadayong turista sa probinsya lalo na sa Vigan.
Mula nang naideklara na ang Vigan ay kabilang na sa new 7 Wonder Cities of the World noong Disyembre 7, 2014 ng New 7 Wonders Foundation, punong-puno na ang mga hotel at restaurant at nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomya at makakalikha ng hanap buhay sa mga kababayan.

Plano rin ng pamahalaang probinsyal at city government ng Vigan na mapaunlad ang Vigan Airport sa suporta nina Cong. Ronald Singson ng Primero Distrito at Cong. Eric Singson ng Segundo Distrito para tumulong ang Department of Transportation and Communications na pinamumunuan ni Sec. Jun Abaya, na taga Candon City ang ama niya na si dating Cavite Cong. Ridel Abaya at Sec. Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways, na taga- Vigan din.
Mapapalawak ang airport runway at upgrading ng mga instrumento at equipment ng eropuerto kabilang na ang tower at mga ilaw para makalapag ang mga malalaking eroplano na lalong nakakatulong sa mga turista na dadayo sa Ilokos. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s