Vigan Longganisa, nalalanghap ang aroma sa buong mundo

Ni Ben P. Pacris
VIGAN CITY – Hindi na lang ang makasaysayang Vigan Heritage Village na kung saan matatagpuan ang mga “Bahay Kastila” ang dinadagsa ng mga dayuhan at local na turista lalo na ngayon na napabilang na sa “New 7 Wonder Cities of the World” kundi pati na rin ang sariling tatak na “One Town, One Product” (OTOP) na Vigan longganisa na animo’y nalalanghap na ang aroma sa buong mundo.
Ayon kay Mayor Eva Medina na kada kapistahan ng Heritage City mula Enero 15-25 inilulunsad ang Longganisa Festival sa pamamagitan ng Longganisa Street Dancing at Longganisa Cook Fest para maipakita at malanghap ng mga bisita ang ipinagmamalaking produkto ng mga Bigueno.
Sa lahat ng mga restaurant at hotel sa Heritage City, ang Vigan longganisa ang popular na almusal ng mga turista kabilang na ang mga balikbayan na may kasamang pritong itlog, tapa o bangus at sinangag na halos hindi kumpleto ang umaga kung hindi matikman ang Ilocano sausage na ito.
Dinudumog din ng mga bisita ang pagbili ng longganisa sa mga public market kabilang na sa mismong Heritage Village bilang pasalubong pag-uwi nila maliban pa sa mga Ilocano souvenirs na abel-iluko at bag na yari sa buri.
Inihahalo pa ang longganisa sa papaya at carrot at itlog sa mga dinadagsang special empanada sa Plaza Burgos. May mga turista pa na ginagawang palaman ang pritong longganisa sa kanilang bread o tinapay na nilapatan ng catsup.
Ang tradisyong paggawa ng longganisa mula sa giniling na karne ng baboy ay nagmula pa noong Galleon Trade sa panahon ng mga Kastila na naimpluwesyahan sa Mexican “salami.” Kakaiba ang longganisa sa sausage ng mga Pinoy.
Ipinagbibili na ang Vigan longganisa sa iba’t-ibang bayan at siyudad sa Ilokos, Cagayan Valley, Cordillera at Metro manila at iba pang panig ng bansa at pati sa ibayong-dagat.
Para maitaas ang kalidad ng naturang produkto ng mga Bigueno, nagtulongan ang city government at Department of Trade and Industry (DTI) para sa angkop na packaging ng OTOP na ito para hindi pagsamantalahan ng iba pang negosyante na gumagawa rin ng longganisa na sinasabi rin na “Vigan Longganisa.”
Ang “Seal of Quality” ng Vigan longganisa ay nakatatak sa pakete nito na dumaan sa standard sanitary inspection at batay sa requirements “world standards” na inilagak ng Bureay of Food and Drugs para maipagbili sa bansa at abroad. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s