Kampanya laban sa mga di lisensyadong armas, pinaigting sa Ilokos

Ni Ben P. Pacris
VIGAN CITY – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga di- lisensyadong armas sa Ilocos Sur sa 2015 para maiwasan ang mga krimen at mapanatili ang tatak nito bilang “peaceful and investment- friendly province.”
Ito ang idiniin ni Pol. Sr. Supt. Nestor Felix, provincial director ng PNP, sa naganap na Media Forum sa Public Information Office sa Kapitolyo noong Enero 5 pagkatapos na maipalabas sa facebook ang pagpapaputok ng de-kalibreng armas ang walong kalalakihan sa Barangay Antonio, Narvacan noong pagsalubong ng Bagong Taon.
Iniutos ni Felix sa mga hepe ng polisya sa 34 na bayan kabilang na ang siyudad ng Vigan at Candon, na ipatupad ang Integrated Patrol System, Ronda at checkpoints pati intelligence network sa pakikipagtulongan na rin ng mga barangay officials at nongovernment organizations (NGO’s).
Tungkol sa kontrobersyal na pagpapaputok ng armalait at cal. 45 ng walong magkakamag-anak sa naturang barangay na naging laman pa ng mga pangunahing diyaryo sa bansa, sinabi ng opisyal ng PNP na naipila na ang kasong “alarm and scandal” sa mga akusado sa Narvacan Circuit Trial Court bagama’t bineberipika pa kung lisensyado o hindi ang mga pinaputok na de-kalibreng baril.
Sinabi pa niya na naselyuhan ang mga service firearms ng mga Kapolisan na naging modelo pa si Gob. Ryan Singson na nagpa=selyo din ng kanyang lisensyadong armas sa Camp Elpidio Quirino bago sumapit ang Bagong Taon.
Sinabi ng Provincial Director na dahil sa pakikipagtulongan ng media at mamamayan sa lalawigan, malaki ang naitutulong nila sa kampanya laban sa “loose firearms” kabilang na ang mga” riding in tandem” criminals.
Kung ikumpara sa mga nakaraang pagdiriwang ng Bagong Taon, kakaunti na lang ang mga nagpaputok ng baril kaya isolated case lang ang nangyari sa Narvacan na nagkataon na inilabas sa facebook at nasaksihan ng buong mundo, sinabi ni Ed Lontoc ng Vigan Chronicle.
Mas matindi pa sa ibang lugar tulad ng Abra na kung saan may dalagitang namatay dahil sa tama ng astray bullet ngunit sa Ilocos Sur walang biktima ng ligaw na bala, idinagdag ng beterannong periodista. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s