Sports panlaban sa droga sa Ilokos

BY: BEN P. PACRIS

 

LUNGSOD NG VIGAN –  Gagamitin ng pamahalaang probinsyal ang isports bilang instrumento para malabanan ang ilegal na droga at mahubog  ang  mga kabataan  para sa  malusog na pangangatawan at pag-iisip  at  makatulong sila  sa pag-unlad at hind imaging sagabal sa lipunan.

 

Ito ang mensahe ni Gob. Ryan Singson sa pagbubukas ng  3rd Congressman Ronald Singson Inter-town Basketball Tournament sa Plaza Burgos sa Heritage City kamakailan na sinalihan ng 11 koponan mula sa primero distrito kabilang na ang Heritage City na siyang defending champion sa naturang liga.

 

Sinabi ni Gob. Singson na  malaki ang naitutulong ng sports   sa mga kabataan  para mailayo sila sa ipinagbabawal na gamot lalo na ngayon na  puspusan ang kampanya ng Kapolisan at ang pamahalaan kontra sa mga drug pushers at sugapa sa druga  sa iba’-t-ibang panig ng  Ilocos Sur.

 

Sa nakaraang buwan, naglunsad ang PNP at CIDG ng buy bust operations at raids sa mga pinaghihinalaang pugad ng mga drug pushers at drug users sa Heritage City kabilang na ang Sta. Catalina, Magsingal at Sta. Maria na kung saan nahuli ang ilang  suspected drug personalities.

 

Naglaan ang pamahalaang probinsyal ng P80 million para sa pagpapaunlad ng Quirino Stadium na ipinangalan noon sa kauna-unahang Ilokano  na naging Presidente ng bansa na si “Apo Pidiong”, para magamit ito sa mga provincial, regional at athletic competitions para lalong maitaguyod ang sports sa mga kabataan.

 

Sinabi ng gobernador na ang mag-kampeon sa tournament   ay tatanggap ng P150,000 at grand trophy, ang 1st runner up ay tatanggap ng P100,000 at trophy’ 2nd runner-up, P60,000 at trophy’ at 3rd runner- up , P40,000 at trophy; at ang lahat ng team na  lalahok ay tatanggap ng P10,000 bawat isa ng consolation prize.

 

Kahit  sa Segundo Distrito, mailunsad din ang Inter Town Basketball Tournament na may 23  teams kabilang na ang mga upland towns sa pakikipagtulongan din ni Congressman Eric Singson.

 

Ang mag-kampeon  sa First District  ang  sasagupa sa mag-kampeon sa Ikalawang distrito na ala- NBA na “East versus West” ngunit dito First District versus 2nd District.

 

Sinabi ni Congressman Ronald  Singson na sa “ pamamagitan ng sports mapaigting ang adhikain na camaraderie, team work at self discipline bilang elemento sa nation- building.”

 

Samantala,  mailunsad  ang Summer Sports Clinic sa Basketball sa University of Northern Philippines sa Vigan para sa mga mag-aaral sa Elelemntarya at High School maliban pa sa  volleyball, football  at track and fields  kabilang na rin ang swimming sa Freedom  Park sa Heritage City. (MCA/BPP/PIA – 1 Ilocos Sur)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s