Proyekto mula sa buwis ng sigarilyo, siyasatin ng DBM bago aprobahan ang pondo

BY: BEN P. PACRISp

 

NARVACAN, Ilocos Sur – Inihayag ng National Tobacco Administration (NTA) na ang lahat ng pondo  sa pagpapatupad ng mga  programa at proyekto mula sa  RA 7171 o “Tobacco Excise Tax Law” ay dapat nang siyasatin muna ng Department of Budget and Management (DBM)  bago ma-release ang pondo sa  mga Local Government Units (LGUs).

 

Ayon kay NTA Administrator Edgardo D. Zaragoza  batay sa bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sin Tax o RA 8240 na nasasakupan ang “Tobacco Excise tax Law na dapat isumite ng mga LGUs ang listahan ng mga  angkop na proyekto o programa na  popondohan ng DBM  sa magaganap na budget hearing  sa darating na Hulyo sa Kongreso para sa national budget sa 2015.

 

Sinabi ni Zaragoza na alinsunod ito sa hatol ng Korte Suprema tungkol sa lump sum allocation na ang mga expenditures  ay dapat suportado  ng ispesipikong   aproprasyon sa  General Appropriations Act (GAA)   bilang patakaran o policy sa pagpapatupad ng mga proyekto o programa mula sa naturang  pundo mula sa buwis ng sigarilyo para sa mga lalawigan o bayan na nagtatanim ng tabako.

 

“Dapat ang mga isubmiting proyekto o programa mula sa “Work and Financial Plan” ay hango sa Master Plan o Roadmap  ng Philippine Tobacco Industry na nakakatulong sa mga nagtatanim ng tabako,” ayon sa dating Alkalde ng Narvacan.

 

Sinabi ng opisyal ng NTA na inilista na ng ahensya ang mga angkop na proyekto o programa na  mula sa RA 7171 funds  sa inilunsad na pagpupulong sa mga magsasaka, local officials, Kongresista at iba pang stakeholders ng industriya ng tabako.

 

“Ngunit kung may pahabol pang programa o proyekto na idagdag ng mga LGU’s maari pa nilang isubmite sa NTA para maiparating  sa DBM para sa screening sa mga  maisamang proyekto o pondo  sa GAA,” idinagdag ng dating Bokal sa Segundo Distrito..

 

“Hindi dapat mabahala ang mga gobernador, mayor at Kongresista dahil ang layunin ng bagong guidelines ng RA 7171 ay para masunod ang “transparency and accountability” at angkop lamang na proyekto ang maipapatupad na makatulong sa mga magsasaka alinsunod sa adhikain ni Pres. Benigno Aquino III, “ iginiit ni Administrador Zaragoza.

 

Nabanggit niya ang  mga inilista ng NTA na proyekto na kinabibilangan ng mga infrastructure projects tulad ng farm-to-market  roads, tulay , Barangay Health  Center, Day Care Center, pandagdag na classrooms, sports facilities, Agri- Pinoy Retail Stores, Bagsakan Centers, farming community household water system.

 

Pagpapatayo ng mga agro-industrial projects tulad ng  Curing Barn, Tobacco Handmade Paper Production, Tobacco leaf Extract Production, communal solar dryer, ricemill at feedmill, at slaughterhouse facilities.

 

Pagbibigay ng livelihood projects para sa mga magsasaka tulad ng tobacco, rice, corn production, broiler/egg production, hog fattening, goat and sheep production, cattle fattening   project, vegetable production at dragon fruit production.

 

Paglulunsad ng mga cooperative projects tulad ng Tobacco Contract Growing System, Communal Irrigation System, shallow tube well, small water impounding, small diversion dam, wind mill pipe, organic fertilizer production, bamboo products processing at Agri- Pinoy Retail Store. (MCA/BPP/PIA-Ilocos Sur).

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s