Ilocos Norte namahagi ng libreng gasifier sa mga magsasaka

BY: CHERRY JOY S. DISCAYA

 

LUNGSOD NG LAOAG – Apat na gasifier para sa mga magsasaka ng tabako ang ipinamahagi ng pamahalaang probinsyal ng Ilocos Norte bilang alternatib sa tradisyunal na pagpapatuyo o pagluluto ng dahon ng tabako.

 

Sa pamamagitan ng “Manang Imee’s Capitol Express”, apat na magsasaka mula sa bayan ng Pinili, Vintar, Badoc at Lungsod ng Batac ang nabenepisyuhan sa libreng pamamahagi ng gasifier dito.

 

Sila ay sina: Ambrocio Pungtilan mula sa Lungsod ng Batac; Buenaventura Islar Jr.  ng Brgy. Pugaoan, Pinili; Alejandro Aurellano mula sa Brgy. Alay, Badoc; at Gaspar Aguinaldo ng Brgy. Bulbulala, Vintar, Ilocos Norte.         

 

Sinabi ni Mario Corpuz, branch manager ng National Tobacco Administration (NTA) sa Ilocos Norte, bukod sa nakatutulong ito sa mga magsasaka, mas maganda din epekto nito sa kalikasan.

 

“Mas eco-friendly ang gasifier kaysa sa paggamit ng kahoy sa pagluluto ng tabako, maliban pa diyan mababawasan din ang pagpuputol ng kahoy sa ating kapaligiran,” ani Corpuz.

 

Ang gasifier ay isang alterbatibong gamit sa pagluluto ng dahon ng tabako sa loob ng pugon gamit ang pinagbalatan ng palay o rice hull.

 

Pinapainit nito ang loob ng pugon a pamamagitan ng pagsisindi ng rice hull para maabot ang tamang temperature sa pagpapatuyo ng mga tabako.

 

“Mas madali ding hanapin ang rice hull na kadalasan ay sinusunog lamang ng ibang mga magsasaka sa kanilang palayan pagkatapos ng pag-aani,” sabi ni Corpuz.

 

Sabi niya, ang ganitong sistema ng mga magsasaka ay nakakaisra sa kalikasan, kaya mas mabuti na lamang na gamitin ito sa pagluluto ng kanilang mga aning tabako gamit ang gasifier.

 

Ayon naman kay Pungtilan ng Lungsod ng Batac, malaking tulong ang natanggap niyang gasifier dahil isa sa mga suliranin nila ngayon ay ang pagkaubos ng kahoy na ginagamit nilang panggatong sa kanilang pugon. (MCA/CDG, PIA-1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s