P10 milyon modernong health center tatayo sa Narvacan

BY: BEN P. PACRIS

 

NARVACAN, Ilocos Sur – Para matulongan ang mga dukhang pamilya na nangangailangan ng serbisyo  ng pamahalaan para mapangalagahan ang kalusugan, maitatayo ang modernong Rural Health Center sa maliit na bayang ito na ang  pagtatanim ng tabakong birhinya ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan.

 

Ayon kay Mayor Zuriel Zaragoza sa tulong ng Department of Health (DOH) na pinamumunuan ni Sec Enrique Ona, naglaan ng P10 milyon ang ahensya para maipatayo ang “Pagamutan ng Bayan” sa lote ng pamahalaan sa malapit sa bagong Narvacan Mall na nasa sentro ng bayan.

 

Nasimulan na ang konstruksyon at matatapos ang bagong Health Center  bago mag- pasko sa  2014 para lubusang matulongan ang mga kababayan lalo na ang mga itinuturing na mahihirap na pinangangalagahan ng administrasyong  Aquino, idiniin ni Mayor Zaragoza.

 

Maliban sa pondong inilaan ng DOH, may counterpart din ang municipal government para mabili pa ang mga kinakailangang gamit ng Health Center , sinabi ng alkalde na anak ni Administrador Edgar Zaragoza ng National Tobacco  Administration(NTA).

 

Sinabi ng mayor na magkakaroon din ng ultrasound ang  center at iba pang modernong medical equipment  para makatulong  nang lubusan sa mga mahihirap ngunit may kaunting singil  sa mga may kaya lalo na ang mga magmula sa ibang bayan para sa maintenance  ng Center.

 

Samantala, tinutulongan pa ng DOH at ang provincial government na pinamumunuan ni Gob. Ryan Singson ang Narvacan District Hospital sa pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang gusali para sa mga pasyente. (MCA/BPP/PIA 1- Ilocos Sur)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s