Organic Pinakbet Farm, naitayo sa Caoayan para maitaguyod ang turismo at ekonomya

BY: BEN P. PACRIS

 

CAOAYAN, Ilocos Sur –  Sikat ang “Pinakbet” na ulam ng mga Ilokano sa lahat ng mga hotel at restaurant pati beach resorts na gustong-gusto rin ng mga dayuhan at local na turista kaya ang “Pinakbet Pizza” ay ipinagbibili na rin sa Heritage City ng Vigan.

 

Dahil dito naisipan ng pamahalaan ng Caoayan, isang maliit na bayan na  pinagmulan ng unang Ilokanong naging Pangulo ng Pilipinas na si Pres. Elpidio Quirino, ang pagpapatayo ng” Organic Pinakbet Farm” sa liblib na pook ng Barangay Caparacadan para makatulong din sa mga maliliit na magsasaka.

 

Ang Caoayan ay karatig-bayan ng Vigan at bantog dito ang tradisyonal na industriya na “Abel Iluko” (Loom Weaving)  na  itinuturing na “One Town, One Product” (OTOP) kaya naitayo pa rito ang “Abel Museum” sa malapit sa bagong “Balay Ti Ili” (municipal hall) l na may tatlong palapag at elevator.

 

“Angkop na angkop ang mga pananim na gulay  at mais sa bayang ito,” idiniin ni  Caoayan  Mayor Germy Goulart , manager ng Café Leona, ang sikat na restaurant sa Heritage City na nagtitinda ng  Ilokanong “Pinakbet Pizza.”

 

Ayon kay Mayor  Goulart  ang “pinakbet” ay tatak Ilokano at lasang Ilokano  na dapat itaguyod  dahil kalakip na rin ito sa kultura o nakaugaliang lasa na kinahuhumalingan din ng mga dayuhan.

 

Sinabi ng Alkalde  na naitayo na ang” Organic Pinakbet Farm”  na dito itinatanim at pinipitas ang mga sariwang gulay na walang kemikal tulad ng okra, ampalaya, talong, patani, kamatis at iba pang sangkap ng pinakbet. Ang sarap ng pinakbet na may halong Vigan  bagnet o chicharon,” aniya.

 

“Magsisilbing tourist spot ang bukiring ito dahil puwede na silang kumain dito na nasa tabi rin ng ilog,” iginiit ng president ng Liga ng mga Alkalde sa locos Sur.

 

Maaring sumakay ang mga turista ng kalesa mula sa harap ng  makasaysayang St. Paul’s Metropolitan Cathedral sa Vigan papunta sa  Heritage Village, Baluarte na kung saan nasisilayan ang mga iba’t-ibang uri ng hayup at ibon na pag-aari ni dating Gob. Luis “Chavit” Singson at hahantong sa Pinakbet Farm para  dito na  mananghalian, sinabi ng  alkalde.

 

Sinabi pa  ni Mayor Goulart na itinaon pa sa darating na Semana Santa o Kuwaresma ang pagbubukas ng naturang   “Pinakbet Farm”  na  dagsa ang  maraming turista at balikbaya na dadayo sa Vigan at iba pang bayan na may mga historical landmarks at tourist spots. (MCA/BPP/PIA 1- Ilocos Sur)

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s