Nagbabala ang DOLE laban sa mga abusadong negosyante sa Ilokos

BY: BEN P. PACRIS

 

VIGAN CITY –  Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE)  ang kampanya laban sa mga abusadong negosyante sa gitna ng mga reklamong paglabag sa batas ng mga employer.

 

Ayon kay Emmanuel Hagad, provincial director ng DOLE, sinisiyasat ng mga labor laws compliance officers ang mga iba’t-ibang establisyamento para masuri ang sitwasyon ng mga empleyado  at kung sinusunod ng mga employer ang mga patakaran  at batas sa trabaho.

 

“Nagpapatupad na kami ng routine inspection sa mga business establishments para masuri kung tinutupad nila ang pagbibigay ng minimum wage, 13th month pay, holyday pay, at overtime pay at iba pang I insentibo ng mga trabahador,” ani Hagad  sa  pakikipanayam ng media kamakailan.

 

Sinabi ng opisyal ng DOLE na iniimbestigahan pa nila ang mga pormal na reklamo na ipinaparating sa kanilang ahensya na magpadala ng mga labor inspectors para maaksyonan ang mga kasong kinasasangkutan ng mga may-ari ng mga pribadang kompanya.

 

Nagrereklamo pa ang ilang empleyado ng mga groserya o hotel na hindi sila nababayaran ng tamang suweldo, 13th month pay at overtime pay.

 

Ayon sa isang naging empleyada na si Mylene na nagtrabaho sa isang malaking groserya sa  Heritage Cty ng Vigan  na  kung darating na ang Kapaskuhan, nagtatanggal na sila ng empleyado para hindi magbayad ang employer ng mga Christmas bonus at iba pang insentibo.

 

“Kasta man ti  aramid dagita a negosyante, agalada ti baro a saleslady ta no dandanin paskua, ikkatendan dagiti empleado. No malpas paskua agaladanto manen,” (Ganyan ang ginagawa ng mga  employer na yan, kukuha sila ng saleslady ngunit kung darating na ang pasko, tatanggalin ang mga empleyado. Pagkatapos ng pasko, kukuha na naman sila ng bagong saleslady,) iginiit ni Mylene sa PIA radio program na “Niat Makunam Kailian” sa DWRS. (MCA/BPP/PIA- 1 Ilocos Sur)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s