Laban kontra sa illegal fishing, pinaigting ng PNP sa karagatan ng Ilocos

Ben Pacris

VIGAN CITY – Dahil sa lumalalang problema sa illegal fishing sa mga karagatan sa Ilocos Sur, pinaigting ng Philippine National Police (PNP) sa tulong na rin ng ibang ahensya ng pamahalaan ang pagbabantay sa karagatan para maprotektahan ang kalikasan.

“Magkaisa tayo para malabanan ang illegal fishing na sumisira sa ating karagatan, sa ating kapaligiran,” ayon kay Senior Supt. Nestor Felix, PNP Provincial Director, sa naganap na Barangay Dialogue sa mga mangingisda at Barangay officials sa barangay Poro, isang coastal at depressed  area sa bayan ng Magsingal kamakailan.

Hinikayat ng opisyal ng PNP ang mga barangay kapitan , kagawad at tanod at lahat ng naninirahan sa malapit sa karagatan na makipagtulongan sa  Kapolisan at iba pang law enforcers para masugpo ang illegal fishing na nangyayari sa  mga coastal towns lalo na sa Magsingal, San Juan at Sto. Domingo pati sa Sinait at Cabugao para hindi masira ang mga karagatan.

Sa naturang barangay symposium, hiniling din ni Michael Chan,action officer ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), sa mga naninirahan sa  tabi ng ilog at dagat na huwag sirain at abusihin ang kalikasan dahil tumitindi na ang epekto ng Climate Change.

 Iniulat ng PNP na sa pamilihang bayan ng Sto. Domingo nasabat ang nagtitinda ng mga isda na na-dinamita.

Nakaaresto rin ng Maritime Police ang tatlong mangingisda na taga- Caoayan  na umanoy nagpatupad ng dynamite fishing sa karagatan ng Barangay  Mindoro sa Heritage City ng Vigan.

Pati umano’y sa mga itinuturing na fish sanctuary sa matulaing  karagatan ng Cabugao may mga naglulunsad  din ng illegal fishing na nakakaapekto sa kalikasan.

Bumuo noon ang provincial government sa pakikipagtulongan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng “Bantay Dagat” sa iba’t-ibang bayan para makatulong sa kampanya laban sa illegal fishing maliban pa sa ipinagkaloob na dalawang  motor boat ng BFAR para sa pag-monitor laban sa mga  lumalabag sa batas sa karagatan.

Para magsilbi ring livelihood ng mga mangingisda, tumulong pa ang provincial government na pinamumunuan ni Gob. Ryan Singson sa pamamagitan  ng mga “fish cages” at libreng “feeds” ng mga bangus at tilapia sa Barangay Miramar at Fuerte  ng Caoayan. (MCA/BPP/PIA 1- Ilocos Sur)     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s