Patok na red wine ng mga Ilocano, itinataguyod sa Ilocos Sur

BY: BEN P. PACRIS

 

VIGAN CITY –  Pinapaigting ng pamahalaang probinsyal ang kampanya para maitaguyod at mapaunlad ang ipinagmamalaking “One Town, One Product” (OTOP)  ng mga Ilokano na “Basi” o Ilocano Red Wine.

 

Ang basi o lokal na alak ng mga Ilocano ay namana pa sa mga ninuno ng makasaysayang bayan ng San Ildefonso kung saan naganap ang “Basi Revolt”  noong panahon ng mga Kastila.

 

Ayon kay Gobernador Ryan Singson dapat  mapreserba at maitaguyod ang mga lokal na produkto kabilang na ang mga nakaugaliang industriya sa Ilocos Sur sa iba’t-ibang panig ng bansa at ibayong -dagat.

 

Para may magamit ang mga magtutubo sa San Ildefonso na nagtitinda ng basi  at  sukang Iluko, nagpamigay ang provincial government ng sugar cane extractor para sa paggawa ng katas ng tubo na maipagbibili sa mga kubo at palengke.

 

Nagpamigay pa ng pamahalan ng  isang unit ng calamansi  extractor para magamit ng mga nagtatanim ng kalamansi para sa paggawa ng kanilang calamansi juice na ipinagbibili sa Tagudin.

 

Popular na rin ang calamansi juice dahil ito’y ipinagbibili  sa mga school canteen lalo na at ipinagbabawal na ng Department of Education (DepEd)   ang pagtitinda ng soft drinks sa mga school canteen .

 

Ipinagbibili pa ang calamansi juice  sa mga public market,  groceria at naging “official drink” noong “Kannawidan Festival” sa Quirino Stadium noong nakaraang buwan.

 

Sinabi pa ng gobernador na may mga dayuhang nais magnegosyo ng calamansi juice pagkatapos nilang matikman ang itinuring nilang energy drink.

 

Hiniling  din ni Singson  sa mga  may-ari ng  beach resorts, restaurant at hotel sa probinsya lalo na sa Vigan, na nakikipaligsahan sa mga 28 na Heritage Cities sa buong mundo para sa “New 7 Wonder Cities of the World” na itaguyod ang mga “Tatak Ilokanong” produkto.

 

Malaki rin ang naitutulong  ng  mga “ netizens”  lalo na ang mga kabataan na tumutulong sa promosyon ng mga produktong lokal at traditional industries pati ang mga scenic spots  at historical landmark s sa  Ilokos  para malaman ng buong daigdig ang mga tatak at kulturang Ilokano sa pamamagitan ng social media, ayon kay Singson.

 

Hiniling pa ng dating Bise Alkalde ng Vigan na dapatI suportahan  ng lahat ng mga Filipino sa bansa at pati sa ibayong-dagat  ang Heritage City ng Vigan  para manalo   at mapili na isa sa mga “Seven New Wonder Cities of the World” maliban lang sa nakaukit na ito sa “World Heritage Sites” ng UNESCO. (MCA/BPP/PIA -1 Ilocos Sur)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s