Exchange program ng mga mag-aaral ng Ilocos at Indonesia, sisimulan na

BY: BEN P. PACRIS

 

VIGAN CITY –  Sisimulan na ang educational exchange program sa pagitan ng mga estudyanteng Ilokano at Indonesian na pamumunuhan ng University of Northern Philippines (UNP) at apat na unibersidad sa Indonesia.

 

Ayon kay Dr. Gilbert Arce, president ng UNP, ang programa ay para sa mga estudyante, guro at personnel ng unibersidad naglalayong lumahok sa mga educational conferences, workshops pagsasanay at pananaliksik.

 

Batay sa kasunduan ng dalawang institusyon, kasama sa programa ang mga kursong pang-negosyo, public administration, kurso sa edukasyon, kalusugan, sining at agham.

 

“Maaring ang mga estudyante at guro ng UNP ay makakapunta sa Indonesia o kaya ang mga Indonesians ang pupunta sa Ilokos upang kanilang matutuhan ang mga kultura at tradisyon, tungkol sa pag-unlad ng edukasyon, singing at teknolohiya at arte pati negosyo,” ayon kay Arce.

 

Ang mga unibersidad sa Indonesia na kumatawan  at pumirma sa kasunduan ay sina, Dr. Suraryo Rartadinata ng University of Perdidican of Indonesia; Dr. Edy Jusuf ng Pasunden University of Indonesia; Dr. Hi Mashiton ng Jakarta Muhamadiyah University’ at Dr. Bedjo Sujanto ng Universites Negori Jakarta.

 

Nakipagtulongan din sina Dr. Antonio P. Agustin, chairperson, UNP Cooperative Mnagement Program, at ang pang-endorso ni Dr. Parisdtiyanti Nurwardani, kumakatawan sa edukasyon ng Embassy of the Republic of Indonesia na naka-base sa  Manila.

 

Samantala,  nagbukas na rin ang UNP ng kursong Medisina maliban lamang sa mga kursong Engineering, Architecture,  Nursing, Education, Social Work, Business Administration, Hotel and Restaurant Management.

 

Dito rin nag-aaral ang mga “Iskolar ng Lalawigan” na tinutulongan ng provincial government na pinamumunuan ni Gob. Ryan Singson  habang pinaghahandaan ang pagpili ng mga iskolar sa mga upland towns lalo na Cervantes para makapag-enroll ng Medisina. (MCA/BPP/PIA 1- Ilocos Sur

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s