Vigan Heritage Village, dapat mapreserba at maitaguyod- Drilon

Ben P. Pacris

 

VIGAN CITY – Hinikayat ni Senate President Franklin Drilon ang bawat mamamayang Filipino hindi lang mga Ilokano  na magkaisa at magbuklo-buklod para mapreserba at maitaguyod  ang Vigan Heritage Village bilang simbolo ng kasaysayan at magneto ng turismo at kalakalan.

 

“Dapat  mapreserba at maitaguyod ang cultural heritage   dahil nakaukit na ito sa World Heritage Sites ng UNESCO at alay para sa hinaharap na henerasyon,” idiniin ni Senador Drilon bilang panauhing pandangal sa naganap na  inagurasyon ng Dancing Fountain Phase 2 sa Plaza Salcedo sa Heritage City noong nakaraang Linggo.

 

Sinabi ng Ilonggong mambabatas na dapat suportahan ng mga  kapuwa Filipino sa lahat ng sulok ng mundo ang kampanya para mapili ang Vigan Heritage Village  sa “New 7 Wonders- Cities of the World.” Ang Vigan City ang pambato ng Pilipinas para sa prestihiyosong pandaigdigang paligsahan ng mga Heritage Cities.

 

Sinabi ng kaalyado ni Pres. Benigno Aquino III na ang Vigan ay nagsisilbing magneto ng turismo na bumibighani sa mga local at dayuhang turista para masilayan ang mga makasaysayang “Bahay Kastila” o Castillan Homes na pangunahing atraksyon sa Ilocos Sur na itinuturing na Primera Klaseng Probinsya.

 

Inihayag pa ni Senador Drilon na susuporta sa mga adhikaing pang-turismo para umangat ang ekonomya at makalikha ng hanap-buhay sa mga kababayan na ito rin ang adhikain ng administrasyon ni P-noy.

 

Ayon naman kay Gob. Ryan Singson ang “Dancing Fountain” ay pandagdag atraksyon sa turismo maliban lang sa main attraction na Vigan Heritage Village at iba pang tourist spots at historical landmarks sa lalawigan dahil ang eco-tourism ang pinag-uukulan din ng pamahalaang probinsyal.

 

Ang city government ng Vigan na pinamumunuan ni Mayor Eva Medina ay pinarangalan ng World Heritage Centre nang ipinagdiwang ang ika- 40 na World Heritage  Convention sa Kyoto, Japan noong  Nobyembre  8, 2012 bilang “Best Practice  in Heritage Conservation, Preservation and Management.”

 

Ayon kay Mayor Medina na sa pamamagitan ng Heritage Conservation Program nakatulong para makilala sa buong daigdig na buhay pa rin ang kasaysayan mula sa panahon ng Kastila hanggang ngayon ditto sa Vigan.

Dahil din sa epekto ng turismo, nabiyayaan ang mga Bigueno sa progreso na tinatamasa ng Heritage City na nanalo rin ng “Gawad Pamana ng Lahi” award dahil sa kakaibang   kontribusyon  sa larangan ng “good governance “ at “ excellence in local governance” (MCA/BPP/PIA 1- Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s