Organikong pagtatanim, panlaban sa Climate Change

Ben P. Pacris

 

VIGAN CITY – Hinamon  ni Asst. Regional Director  Cesar Escobar ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang mga Ilokanong magsasaka na panahon na para maitaguyod ang organikong pagtatanim bilang panlaban sa matinding epekto ng Climate Change na pumipinsala sa sektor agrikultura.

 

Ito ang idiniin ni Asst. Dir. Escobar sa naganap na  Balikatan  at Agricultural Night bilang bahagi ng  taunang  Kapistahan ng Heritage City noong nakaraang Linggo sa Plaza  Salcedo na dinaluhan ng mga grupo ng mga magsasaka at kababaihan.

 

“Lumiliit, umiiksi na ang mga taniman sa Ilokos dahil sa sobrang paggamit ng chemical fertilizers at pestisidio na nakakasira sa mga lupain,” iginiit ng opisyal ng DA.

 

May mga lupaing pang-agrikultura  na dapat sanang  tamnan ng mga magsasaka ngunit itinayo na ang mga istrakturang pang- negosyo  o pribadong tahanan kaya lumiliit na ang mga lupain maliban pa sa apekto ng Climate Change.

 

Sinabi ng direktor na maigting na  inilulunsad  ang kampanya ng DA  tungkol sa  Organic Farming para mapangalagahan ang kapaligiran at maisalba pa ang mga natitirang lupain para sa Food Production Program ng gobyerno.

 

Hinikayat pa niya ang mga magsasaka na magtanim ng mga hybrid crops o mataas na uri ng pananim tulad ng mais, palay, gulay at iba pang produkto para tumaas ang ani at income ng mga magsasaka.

 

Tuloy-tuloy din ang ipinapatupad na pagsasanay ng mga magsasaka tungkol sa mga modernong teknolohiya at siyensya ng pagtatanim dahil ito na ang hamon sa makabagong panahon, sinabi ni Escobar , maliban pa sa mga seminar na tumutukoy sa mga “Best Parctices in Agriculture.”

 

Samantala,  inihayag  ni Provincial Agriculturist Teofilo Quintal na bumaba na rin ang bilang ng mga magsasaka dahil nabibilang sa daliri ang mga nag-eenroll ng kursong agrikultura.

 

“Tumatanda na ang mga magsasaka, tumatanda na rin ang mga agrikulturista sa DA, sino pa ang papalit sa kanila kung ang mga anak nila ay kukuha ng kursong engineer, teacher, accountant at iba pang  profession,” ani Quintal.

 

Nababahala ang opisyal ng DA na  b aka darating ang panahon na wala nang mamamahala sa mga  bukirin dahil mas in demand ang mga kursong pang- professional kaysa  pang- agrikultura. (MCA/BPP/PIA -1 Ilocos Sur)

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s