“Ilocos Sur Hotline” patuloy ang pagtulong sa mamamayan

 Ben P. Pacris

 

VIGAN CITY – Umabot na sa 4,712 na itinuturing na  “indigenous  people” o katutubo mula sa mga kabundukan sa Ilocos Sur, ang natulongan ng “Ilocos Sur Hotline”  na inilunsad ng pamahalaang probinsyal para maiparating ang mga programa at serbisyo ng gobyerno sa mga liblib na pook.

 

Ito ang iniulat ni Provincial Social Welfare Officer Ferdinand Concepcion sa naganap na pulong ng mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at nongovernment organizations (NGO’s) para sa validation ng Poverty Reduction Prrogram sa Sangguniang Panglalawigan Sesssion Hall sa Kapitolyo noong Enero 29.

 

“Sa pamamagitan ng Ilocos Sur Hotline, ipinapamalas ng gobyerno na hindi pinababayaan ang mga mahihirap nating kababayan na nasa kabundukan,” idiniin ng opisyal ng DSWD.

 

“Pati sa mga upland towns at coastal areas, ipinaparating ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan para maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap nating kababayan,” dagdag ng opisyal.

 

Sinabi ni Concepcion na sa makasaysayang bayan ng Del Pilar, na kung saan napaslang ang bayaning Gen. Gregorio del Pilar sa kamay ng mga sundalong Amerikano, umabot ng 1,590 na katutubo mula sa mga itinuturing na “poorest of the poor” ang natulongan ng naturang programa noong nakaraang taon.

 

Ang mga iba pang lugar na natulongan ng Hotline ay ang Sugpon na may 958 katutubo ang nabiyayaan; Alilem, 1,458 beneficiaries; at 756 sa Sigay.

 

Para mapalapit ang gobyerno sa mga naninirahan sa mga depressed areas, nagbuklo-buklod ang mga ahensya ng gobyerno para maiparating ang medical at dental services, pagbibigay ng gamut, kagamitan sa pagtatanim ng mga magsasaka, reading glasses, wheel chair at tungkod sa mga matatanda, skills training at livelihood projects sa mga kabataan at walang trabaho at iba pang social services.

 

Ang “Ilocos Sur Hotline”  ay sinimulan noon ni dating Gob. Luis “Chavit” Singson na itinuloy ni Gob. Ryan Singson  at Vice- Gov. Deogracias Victor “DV” Savellano na napapakinggan ang programang ito tuwing Sabado, 9 a.m. – 12 noon, sa  dwRS Commando sa Heritage City ng Vigan.

Sa naturang programa, iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga department heads ang tumatalakay sa kanilang mga programa at serbisyo sa mga Ilokano. May tumatawag din sa telepono o nag-te-text para maiparating ang mga karaingan, reklamo o mungkahi ng mga mamamayan para sagutin ng mga taga- gobyerno. (MCA/BPP/PIA -1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s