Patimpalak para sa mga natatanging guro, muling inilunsad

Ni Venus May H. Sarmiento

SIYUDAD NG DAGUPAN – Inilunsad muli ng Metrobank Foundation, sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at ng Commission on Higher Education (CHED) ang patimpalak para sa natatanging guro o ‘Search for Outstanding Teachers.’

 

Ayon kay Nicanor Torres, executive director ng Metrobank Foundation, ang patimpalak ay naglalayong parangalan ang mga guro na may dedikasyon upang maturuan at mapaunlad ang karunungan ng mga kabataan.

 

Upang makasali, ang mga guro ay kailangang magsumite ng dalawang pahinang  Basic Information Sheet (BIS) sa pinakamalapit na Metrobank branch hanggang  Enero 27, 2014.

Ang patimpalak, na nasa ika-tatlumpung taon na, ay bukas sa lahat ng mga guro sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa pampubliko at pribadong paaralan sa Pilipinas.

 

Ang mga kandidato ay dapat Filipino citizen na aktibong nagtuturo sa nakaraang sampung taon at may lisensya mula sa Philippine Regulatory Commission.

 

Para sa elementary competition, ang mga paaralan ay maaring magnomina ng dalawang nominado, isa para sa primary (Kinder hanggang Grade III) at isa sa intermediate (Grade IV hanggang Grade VI) habang ang mga paaralang para sa sekondarya at kolehiyo ay maaring magnomina ng isa.

Sampung guro ang mananalo ng limandaang libong  piso o kalahating milyon. Mayroon ding medalya, tropeo at plake para sa paaralan. 

 

Mula ng ito ay umpisahan noong taong 1984, ang patimpalak ay nakapagbigay parangal na sa tatlong daan at dalawampu’t anim (326) na mga educators sa buong Pilipinas. (VHS/PIA-Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s