PNoy pinangunahan ang “Isang Bansa, Isang Panalangin”

April Montes

 

LUNGSOD NG DAGUPAN – Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang “National Day of Prayer and Solidarity” noong Lunes sa gitna ng mga pinagdaang krisis ng bansa.

 

Ayon kay Herminio Coloma, Jr., kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na ang aktibidad na tinatawag ding “Isang Bansa, Isang Panalangin” ay isinagawa sa buong bansa kahapon.

 

Aniya, itinakda ang “National Day of Prayer and Solidarity” upang alalahanin ang mga buhay na nawala dulot ng mga trahedya sa taong 2013; pasalamatan ang Panginoon para sa lakas at tatag ng bansang Pilipinas; at ipanalangin sa Diyos na gabayan ang bansa tungo sa pagbangon nito lalo na ang mga lugar na naapektuhan ng trahedya.

 

“Ang ‘Isang Bansa, Isang Panalangin’ ay ginawa ng buong mamamayan sa kani-kanilang mga tahanan, komunidad, opisina at simbahan,” ani Coloma.

 

Pinasalamatan din ni Coloma ang mga kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa kanilang pag-uulat hinggil sa “Isang Bansa, Isang Panalangin” na higit na humikayat sa mga Pilipino na makilahok sa aktibidad. (MCA/AMM/PIA-1, Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s