Traditional industries at produkto pasisiglahin sa Ilocos Sur

Ben P. Pacris

 

VIGAN CITY – Ang bayong na sinaunang gamit noon ng mga Ilokano sa pamimili ng mga pangangailangan sa palengke ay muling bubuhayin at itataguyod  ng pamahalaang probinsyal para mapangalagahan ang kapaligiran.

 

Ayon kay Bise- Gobernador Deogracias Victor “DV” Savellano, makakatulong na panlaban sa epekto ng climate change kung muling maibabalik at maitataguyod ang mga tradisyonal na bayong o basket.

 

“Maitataguyod na ang kultura at tradisyon ng mga Ilokano, makakatulong pa para mapangalagahan ang kapaligiran,” giit ni Savellano.

 

Sinabi ng dating gobernador na dapat itaguyod ang mga traditional industries at produkto ng mga Ilokano dahil ito rin ang One Town One Product (OTOP) ng ilang bayan at One barangay, One Product (OBAP).

 

Ang bayong ay yari sa dahon ng niyog o silag at ang basket ay gawa sa kawayan.

 

Dahil sa epekto ng climate change, maraming Local Government Units (LGU’s) ang nagbabawal sa paggamit ng mga plastic bag o pambalot na plastic sa merkado publiko at iba pang business establishments.

 

Kahit sa Heritage City ng Vigan, inaprobahan na ang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng plastic sa public market at mga groserya at sa halip ay ang paggamit ng tradisyonal na bayong o basket at papel na pambalot o paper bag.

 

Ang bayan ng San Vicente ay unti- unti na ring ipinapatupad ang pagbabawal ng plastic sa palengke para makatulong sa kampanya laban sa apekto ng Climate Change.

 

Nabanggit pa ni Savellano na dapat ding ibalik ang iba pang tradisyonal na gamit sa bahay tulad ng “aklo” o sandok na gawa sa coconut shell, ang “banga” o “karamba” na ginagamit sa pagluluto at paglagyan ng tubig. (MCA/BPP/PIA -1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s