Nakakamatay na swing sa mga paaralan sa Ilokos, dapat siyasatin ng Dep Ed

Ben P. Pacris

 

SANTIAGO, Ilocos Sur  – Ambisyon ng batang  si  Jemarie ang maging pulis o sundalo paglaki niya. Kahit musmos pa lamang, baril- barilan na ang paborito niyang laro.  

 

Paglaki niya gusto niyang magkaroon ng totoong  baril para malabanan ang mga masasamang tao. Ngunit naging abo na ang kanyang pangarap dahil hindi na matutupad ito kailanman.

 

Noong Enero 8, naglalaro si Jemarie Lavaro,6, Grade 1 ng Santiago North Central School sa bayang ito na kalapit sa Candon City ang itinuturing na Calamay City ng Ilokos, kasama ang tatlo pa niyang kamag-aral sa isang swing na nasa playground ng paaralan.

 

Ayon sa kanyang mga kaklase, idinuduyan ni Jemarie ang kanyang classmates sa naturang swing nang aksidenteng matamaan siya nang bigla sa  mabilis na swing na kung saan bumangga nang malakas sa kanyang tiyan at tinamaan ang kanyang atay.

 

Ipinaalam sa kanyang ina na si Aling Marilyn, 47, na noon ay nakikipagpulong  sa Parents- Teachers Association sa loob ng eskuwela kaya dali-daling niyang sinaklolohan ang kanyang anak na namimilipit na ng sakit ng tiyan.

 

Itinakbo sa Municipal Health Center sa bayan ngunit di nakayanan ng mga nurses kaya dinala ang bata sa Candon General Hospital na kung saan  nilapatan din ng gamot.

 

Inihahanda na ang operasyon  sa bata nang siya’s nalagutan ng hininga dahil sa malubhang tama sa kanyang atay na sanhi ng internal bleeding.

 

“Awan ti pabasolek iti daytoy a  napasamak iti anakko. Kasta ngatan ti naikeddeng a gasatna ngem masapul koma a kitaen a naimbag ti Dep Ed ken dagiti agtuturay dagitoy nabangon a swing iti es-eskuela tapno saanton a mapasamak daytoy,” (Wala akong sinisisi sa nangyaring ito sa aking anak. Ganya na talaga ang kanyang kapalaran ngunit dapat siyasatin ng Dep Ed at mga opisyal ang mga itinayong swing sa mga paaralan para hindi na mangyari ang trahedyang ito), idiniin ng humahagulgol na ina.

 

Ayon sa ina, hindi naman masama ang mga itinayong recreation  o playground ng mga bata ngunit dapat prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

 

Sa Heritage City ng Vigan, hiniling din ng ilang mga magulang na tiyakin ng mga opisyal ng lungsod na ang mga itinayong swing at slides para sa mga bata sa Plaza Burgos ay walang maaksidente tulad ng nangyari kay Jemarie.

Samantala, ipinapatupad na ng city government na pinangungunahan ni Mayor Eva Medina sa pakikipagtulongan ng Department of Education (Dep Ed) , Commission on Higher Education (CHED)   ang “Code of Student’s  Discipline and Behaviour ”  sa Elementarya at Sekundarya pati Kolehiyo  o Unibersidad sa Vigan City para mapangalagahan ang  kaligtasan at kabutihan ng mga estudyanteng nag-aaral sa Heritage City. (MCA/BPP/- PIA 1- Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s