Matatag ang supply ng bigas sa Ilocos Sur – NFA

Ben Pacris

LUNGSOD NG VIGAN – Sinabi ng National Food Authority na matatag ang rice supply sa Ilocos Sur at walang rice smuggling o rice hoarding na nangyayari sa probinsya.

 

Sinabi ni Fortunato Bulao, branch manager ng National Food Authority (NFA) sa Ilocos Sur, na maraming bigas ang maisasa-ing ng bawat pamilya sa probinsya.

“Walang big time rice dealers sa lalawigan, walang hoarding dito ni walang rice smuggling dahil sobra- sobra at maganda ang kalidad ng aning bigas ng mga kababayan nating magsasaka,” iginiit ni Bulao.

 

Sinabi ng opisyal ng NFA na hindi lang sapat kundi sobra pa ang naaaning de kalidad na bigas sa lalawigan kaya nagpapadala pa ng NFA ng sako-sakong bigas sa mga nasalanta ng bagyo sa Metro Manila at pati sa Cordillera.

 

Nagbabala pa ang manager sa mga negosyante ng bigas na huwag linlangin ang mga mamimili kung inihahalo nila ang NFA rice na nabibili ng P17 kada kilo  sa mga commercial rice para  lumaki lang ang tubo nila.

“Ang sinumang tiwaling negosyante ay maaalisan ng lisensiya o permit,” idinagdag niya bagama’t aminado syang walang police power ang ahensya.

 

Patuloy ding bumibili ang NFA ng palay sa mga magsasaka na may kalakip na insentibo para di pagsamantalahan ng presyo ng mga negosyanteI. Iniulat niya na may 98,000 sakong bigas ang nakalaan pa rin sa mga bodega ng NFA sa lalawigan.

 

Sa ika- 41 anibersayo ng ahensya, na may temang : Makabagong Panahon, Bagong Hamon”,, sinabi ni Bulao na patuloy na ipinapatupad ng NFA ang kanyang adhikain at adbokasya para  sa sapat na supply ng bigas sa bawat pamilya((MCA/BPP/PIA 1-Ilocos Sur).

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s