Volleyball team ng Saint Paul College ng Ilocos Sur, tsampiyon sa Luzon Milo Little Olympics

Ni Imelda Castro-Rivero   

     

Siyudad ng Vigan, ILOCOS SUR – Tsampiyon sa volleyball ang Saint Paul College of Ilocos Sur  (SPCIS) sa naganap na Luzon Milo Little Olympics sa siyudad ng  Baguio noong Setyembre 6-8.

Sinabi ni Coach Edwin Alconis ng SPCIS, unang tinalo nila ang Don Bosco College, pagkatapos ay ang Unibersidad ng Cordilleras, Urdaneta High School, ang Zambales High School at ang Saint Peter High School sa championship game noong Setyembre 8.

Bilang kampiyon sa Luzon, sila ay sasali sa pambansang palaro ng Milo Little Olympics sa Cebu sa Oktobre  25 hanggang 27 sa taong ito.

Nakaabot din ng silver medal ang SPCIS sa Taekwondo. Ang ibang larong sinalihan ng paaralang pinamamahalaan ng mga madre ng Saint Paul of Chartres ay ang badminton, chess, scrabble, football at basketball.

 

Ipinaliwanag ni Alconis na ang mga palarong ito ay programa ng Milo sa mga probinsiya upang maipakilala sa mga kabataan ang sports. Ito ay pagkakataon sa mga kabataan na maipakita ang kani-kanilang talento sa isang grandeng paligsahan. 

Sa bawat taon, ang mga estyudante sa elementarya at sekundarya, pribado man o pampublikong paaralan ay naghahanda para sa kani-kanilang  rehiyon sa labintatlong laro. Ito ay kinabibilangan ng athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, scrabble, sepak tekraw, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball. 

 Ang rehiyong may pinakamaraming medalya ang tatanghaling national champion. Ang grupong naging kampiyon sa loob  ng tatlong taon ay mabibigyan ng Perpetual Trophy. (JCR/ICR PIA 1 Ilocos Sur)

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s