Operasyon Timbangan isinagawa sa mga pamilihang bayan sa Ilocos Sur

Ni Imelda Castro-Rivero

 

SYUDAD NG VIGAN, Setyembre 6 (PIA) – Isinagawa ang regular na Operasyon Timbangan sa mga tindahang pamayanan sa probinsiya sa pamamagitan ng ng pagkakaisa ng mga ahensiya ng gobyerno na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

Sa Operasyon Timbangan, nakikita ang mga paglabag sa wastong patakaran sa pagtitinda, tulad ng hindi wastong pagtimbang ng mga produkto. Kinukumpiska ang mga timbangang hindi wasto ang kalibre.

 

Ayon kay Grace Lapastora, ang hepe ng DTI Ilocos Sur, sa buwan ng Agosto naganap ang tinatawag nilang market saturation drive o pagbisita sa mga pamilihang bayan noong Agosto 20, 22 at 28. Dito naganap ang inspeksyon sa mga bayan ng San Juan, Tagudin at Magsingal.

 

Nagkaroon ng espesyal na pagbisita  sa bayan ng Magsingal dahil ito ay isa sa mga bayang nabaha dahil kay bagyong Maring. Nagdeklarang nasa ‘state of calamity’ ang lokal nitong gobyerno noong nakaraang lingo.

 

Naganap din ang inspeksyon ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ang paglagay ng mga  ‘price tags’ sa mga gulayan, bigasan,  isdahan, karnehan, at sa groserya.

 

Sinisiguro ng mga pagbisitang ito sa mga pamilihang bayan ng 34 bayan at dalawang siyudad ng probinsiya na hindi lumalabag sa batas ang mga nagtitinda, at hindi pagsamantalahan ang mga bumibili sa pagtataas ng mga presyo sa panahong may kalamidad . (MCA/ICR/PIA-1/Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s