Lokal na produkto at kultura, tampok sa Ilocos Sur trade center

Ni Imelda Castro-Rivero

 

SYUDAD NG VIGAN, Setyembre 6 (PIA) – Tampok ang mga local na produkto ng probinsiya tulad ng longanisa, bagnet, burnay, kalamay at bawang sa bagong bukas na Ilocos Sur Trade Center sa siyudad na ito.  

 Dahil nasa mismong Vigan Heritage Village ang trade center, lalong makikilala at tatangkilikin ang mga produktong ito ng mga turista. 

Lalo na at ito ay nasa bahay ng pinakaunang babaeng Filipino na nakilala sa buong mundo bilang isang magaling na manunulat ng tula na si Leona Florentino na siya ring ina ng Ama ng Unionismo sa Pilipinas na si Isabelo de los Reyes.

Ang kulturang Ilokana ay makikita at mararamdaman din ng mga bibisita sa one-town-one-product (OTOP) Trade Center ng probinsiya.

Sa mensahe ni Gobernador Ryan Luis Singson, ito ay isang lugar na kung saan ang kultura ng 32 bayan at dalawang siyudad ng probinsiya ay masasaksihan.

Maganda ang potensiyal sa turismo ang Ilocos Sur, sabi ni Singson noong pormal na mabuksan ang sentro noong nakaraang buwan. At ang pag-angat ng ekonomiya sa probinsiya ay isang parangal sa kultura ng mga Ilokano.

Inilunsad din ni Singson ang slogan ng turismo ng probinsiya – ‘Sure Ilocos Sur’, na siyang magtataas pa sa ‘Soar Ilocos Sur’ na slogan ng probinsiya. (MCA/ICR/PIA-1/Ilocos Sur)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s