200 babaeng buntis nabigyan ng serbisyo medikal sa Pangasinan

Ni Venus H. Sarmiento

 

 

PANGASINAN, Setyembre 4 (PIA) – Mahigit dalawang daang babaeng buntis ang nabigyan ng kumpletong serbisyong medikal ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan sa isinagawang ‘Buntis Congress’ sa bayan ng Rosales kamakailan.

 

 

Ang pang-apat na malaking pagtitipon ng mga buntis mula sa anim na bayan ng eastern Pangasinan ay isinagawa upang hikayatin ang mga babaeng buntis na manganak sa ospital o pagamutan upang makakuha ng serbisyong pangkalusugan para sa ina at sanggol, ayon kay Provincial Health Officer Anna De Guzman.

 

 

Ito rin  aniya ay isang istratehiya upang makamtan ang mababang maternal mortality sa taong 2015 na nakasaad sa Millenium Development Goal (MDG).

 

 

Ani De Guzman, maari itong makamtan sa Pangasinan dahil sa nakitang pagbaba ng maternal mortality rate mula 102 noong mga nakaraang taon na bumababa sa 54 noong taong 2012.

 

 

 

Sinabi ni Gobernador Aamdo Espino na ang programang ito ay paninindigan ng pamahalaan na “walang nanay ang kailangang mamatay dahil sa panganganak kaya’t kinakailan silang manganak sa isang pagamutan upang sila ay mabigyan ng karampatang lunas.”

 

 

Ang aktibidad  aniya ay naka-angkla sa Maternal, Neo-Natal, Child Health and Nutrition (MNCHN) na programa ng probinsiya.

 

 

Kabilang sa serbiyong medikal na nakamtan ng mga buntis sa isinagawang

aktibidad ay ultrasound, pre-natal check-up, laboratory tests tulad ng blood typing, urinalysis at hematocrit, dental check-up, beauty care services, PhilHealth enrollment advocacy, vital signs at pang-parmasiya.

 

Nagkaroon din sila ng pagkataong magpaganda at makaranas ng libreng foot spa at gupit mula sa mga mag-aaral ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Pangasinan School of Arts and Trades.

 

 

Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) sa Rehiyon Uno at ng Pangasinan Medical Society. (MCA/VHS/PIA-Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s