Tagalog news: Development council sa Ilokos, muling sinuri ang RDP

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 8 (PIA) — Nagpulong kamakailan ang Development Council sa Ilokos upang suriin ang Ilocos Region Development Plan (RDP) para maitugma ito sa Philippine Development Plan (PDP).

Ayon kay Juan Ngalob, direktor ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Ilokos, kailangang pag-aralan o suriin muli ang regional plan upang ang mga isyu at problema sa rehiyon ay maisaalang-alang sa pagbabago ng mga polisiya at estratehiya ng PDP.

“Mahalaga na muling pag-aralan ang regional plan upang maisasalarawan ito sa pambansang kaunlaran,” sabi ni Ngalob noong pagpupulong sa Hotel Ariana sa bayan ng Bauang kamakailan.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Sirkulo Blg. 43 na linagdaan ni Pangulong Aquino noong Pebrero ngayong taon na nagsasaad na ang NEDA ay tumulong sa pagsasagawa ng muling pag-aral at pagsusuriipara sa pagbabago ng PDP gayundin ang Result Matrix (RM) at ang Public Investment Program.

Dumalo sa pagpupulong ang mga pinuno ng mga ahensiya ng gobyerno, pamahalaang lokal, pribadong sektor, non-government organization, paaralan, civil society at kinatawan ng NEDA mula sa Central Office.

Ipinakita ni Ngalob ang mga mahahalagang estratehiya sa pagbabalangkas ng rehiyon para sa taong 2014-2016, na siyang basehan sa pagsusuri ng regional plan.

Ang regional plan ay ibinase sa mga sektor na prayoridad ng national plan gaya ng economic development, climate change, good governance, human development at security, justice and peace.

Ayon pa kay Ngalob, layunin nito na tumaas ang ekonomiya ng rehiyon ng pitong porsiyento sa mabagal ngunit siguradong paraan. (MCA/MBR-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s