Tagalog news: Senior citizens, hiniling na maibaba ang edad ng mga beneepisyaryo ng social pension

LUNGSOD NG VIGAN, Mayo 3 (PIA) — Hiniling ng mga maralitang senior citizens na may edad 76 pababa na sila’y isama sa binibigyan ng pamahalaan na buwanang pension na P500 para sa kanilang “pang-dugtong hininga.”

Ito ang “feedback” ng mga matatanda sa “Kapihan iti Amianan” Media Forum sa Iluko Heritage Channel ng Eagle Vision Cable System kamakailan na itinatataguyod ng PIA na kung saan nakatutok ito sa paksang “Social Pension” at “4 P’s”.

Ayon kay Gerry Buen, 65, may-asawa, taga-San Vicente, “ saan laeng koma a dagiti nakurapay a senior citizens nga agtawen iti 77 agpangato ti maikkan iti pension, uray koma dakami ta pang- nayon ti anges“ (Hindi lang sana ang mga dukhang matatanda na edad 77 pataas ang nabibigyan ng pension, kami rin sana para pang-dugtong hininga).

“Matulungan sana kami ni Presidente Aquino at DSWD, ang hirap ng buhay apektado kaming mahihirap na senior citizens,” iginiit naman ni Patricio Virtudes, janitor, 64, may-asawa at isang anak na taga-Sto. Domingo.

Sinabi naman ni Botchie de Vera, 62, walang trabaho na taga-Bantay na dapat lang na matulungan din ang mga senior citizens lalo na ang mga pinaka-mahirap ang pamumuhay na mapagkalooban ng monthly social pension.

“Apay nga awan met ti binulan a pension ko. Marigrigatak met?) (Bakit wala akong natatanggap na buwanang pension. Maralita naman ako,” sinabi rin ni Nana Elsa (Avisado), 80, na dating kusinera ng isang restaurant sa lungsod ng Laoag.

Sa isang oras na media forum, sinabi ni Provincial Social Welfare Officer Ferdinand “Joy” Concepcion na batay sa Rupublic Act 9994 o “Expanded Senior Citizens Act” ang mga maralitang matatanda na edad 77 pataas ang nabibigyan lang ng P500 monthly pension sa pakikipagtulungan na rin ng mga LGU’s. May discount pa sila sa binabayarang bill ng kuryente buwan-buwan, idinagdag niya.

“Ngunit sana maisa-batas sa Kongreso para maidagdag ding beneficiaries ang mga indigent senior citizens na may edad 76 pababa,” idiniin ni Concepcion.

Sinabi pa ng opisyal ng DSWD na masmarami pang mabibiyayaan sa 2013 na mga mahihirap na kababayan lalo na ang mga itinuturing na “poorest of the poor” sa pamamagitan ng PhilHealth cards at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). (MCA/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s