Tagalog news: OTOP, itataguyod ng mga hotel at restaurant sa Ilokos

LUNGSOD NG VIGAN, May 2 (PIA) — Makikipagtulungan ang mga hotel at restaurant sa Ilocos Sur sa pagtataguyod ng One Town, One Product (OTOP) para sa pag-unlad ng ekonomya at makalikha ng masmarami pang hanap-buhay sa mga Ilokano.

Ayon kay Congressman Ryan Luis Singson, malaki ang maitutulong ng mga kasapi ng Ilocos Sur Hotel and Restaurant Association para sa pagtataguyod ng mga lokal na produkto kabilang na ang mga tinaguriang traditional industry ng lalawigan sa mga dumadayong turista.

Tulad ng Café Leona, sikat na restaurant sa Vigan Heritage Village na pag-aari ni Caoayan Mayor Germy Goulart, kinasasabikan dito ang mga Ilokanong putahe tulad ng popular na Vigan longganisa, bagnet at chicharon lalo na ang pinakbet.

Pati rin sa Cordillera Inn, isa sa mga pinakaluma at pinakamalaking hotel sa Heritage City itinataguyod din ang OTOP na Vigan longganisa at bagnet pati na and Abel Iluko (loom woven cloth).

Sinabi ng Kongresista sa unang distrito na maglalagay din ang Vigan Plaza Hotel ng mga tsinelas at bag na yari sa water lily mula sa maliit na bayan ng Caoayan kabilang na ang Abel Iluko.

Sinabi pa ni Singson na sa bawat website ng mga Local Government Units (LGU’s) ay dapat ding maglagay ng tungkol sa mga lokal na produkto at tradisyunal na industry para malaman ng lahat ang mga ipinagmamalaking produkto ng mga Ilokano.

Samantala, inilunsad ang Trade Fair mula Abril 27 hanggang Mayo 4 na isa sa mga tampok na atraksyon sa selebrasyon ng “Binatbatan Festival” sa Heritage City na lalahukan ng mahigit na 20 exhibitors mula sa Hilagang Luzon maliban pa sa mga maliliit na negosyante sa lalawigan.

Kabilang sa mga popular na produkto na mabibili sa isang Linggong Trade Fair ay ang mga kakaibang disenyong muebles o furniture mula sa San Vicente, bawang ng Sinait, lasona o onion sa Sta. Catalina, longganisa at bagnet ng Vigan, abel Iluko, calamansi juice ng Tagudin, taga-pulot o balikutsa at sukang Iluko sa Sta. Maria, basi o Ilocano red wine sa San Ildefonso, burnay o jar ng Vigan, ginger tea at ube sa mga upland towns at iba pang mga produkto. (MCA/BPP- PIA 1 –Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s