Tagalog news: Food festival sa Bauang, idinaos

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 2 (PIA) — Idinaos ng Bauang Tourism Council (BTC) ang kanilang ikalawang food festival kamakailan kung saan tampok ang iba’t ibang pangdayuhan at lokal na pagkain.

Ayon kay Joan P. Diaz, Bauang information and tourism staff, ang isang araw na pagdiriwang ay bahagi ng “Baggak Festival” ngayong tag-araw na siyang lalahukan ng 10 establisimyento na miyembro ng BTC.

Ang nasabing selebrasyon na nagsimula noong Abril 20 hanggang Abril 28 ay taun-taong isinasagawa ng bayan ng Bauang bilang isang paraan ng pagpapakita ng talento at pagkamalikhain mga mga tao, tagumpay ng bayan at pagkakaisa ng komunidad tungo sa adhikaing maging maunlad na munisipalidad.

“Itinatampok namin dito ang mga miyembro ng BTC upang ipamalas nila ang mga pagkaing kanilang espesyalidad,” ani Cristy Besanko ng Bali Hai Beach Resort at Food Fest Committee chair.

Ang mga kalahok na establisimyento ay ang Coconut Grove Beach Resort, Coral Beach Resort, Natalna Grille, Villa Estrella, Hen Haw Chinese Restaurant, Bali Hai Beach Resort, Laigo’s Green Valley, Mark Teresa Apartments, Hotel Ariana at Rose Bowl Steakhouse and Restaurant.

Mula sa tema ngayong taon na “Panagyaman 2013: Festival of Arts and Culture” muling inaanyayahan ni Diaz ang lahat na makisali sa pista kung saan ang Baggak band at Don Eulogio de Guzman’s Memorial National High School’s Folkloriko ay magkakaroon ng pagtatanghal o programa. (MCA/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula kay Joan P. Diaz/LGU-Bauang)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s