Tagalog news: DSWD, DENR lumagda ng kasunduan para sa ‘sustainable livelihood program’

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Mayo 3 (PIA) — Nilagdaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan para sa implementasyon ng “Sustainable Livelihood and Environment for DSWD Disadvantaged Clients” na programa sa rehiyon uno.

Ayon kay Information Officer Allan Lulu ng DSWD, nakapaloob sa memorandum of agreement ang P350,000 tulong pinansiyal sa dalawang SEA-K (Self-Employed Assistance Kaunlaran) Associations partikular na ang Villacorta Green Thumb at Mapita Seedlings Planters sa probinsiya ng Pangasinan.

Ang naturang halaga ay gagamitin sa pagbili ng mga binhi na kung saan itatanim sa lupaing ipagkakaloob ng DENR.

Ani ni Lulu, ang mga pananim ay bibilhin ng DENR pagkatapos ng tatlong buwan.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng programa, positibo ang dalawang ahensiya na makakapagtaguyod ng isang “area-based approach” na magpapanatili ng kapaligiran gayundin, magbibigay ng kabuhayan sa mga mahihirap base sa “convergence strategy” ng pamahalaan.

Hinikayat ni DSWD Regional Director Marcelo Nicomedes J. Castillo ang mga benepisyaryo na gawin ang kanilang bahagi para sa ikauunlad ng programa bilang tugon sa pagsisikap ng mga ahensiya na pagsamahin ang kanilang pag-aaring yaman upang sila’y makinabang.

Hinahamon rin niya umano ang mga ito na magsikap at maging kaisa ng pamahalaan sa pagtahak sa kaunlaran. (MCA/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula sa DSWD1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s