Tagalog news: Comelec nagsimula ng mamahagi ng voter’s information sheet

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, May 2 (PIA) — Nagsimula na ang Comission on Election (Comelec) dito sa lungsod na mamahagi ng “voter’s information and instruction sheet” (VIIS) sa mga barangay upang mabigyan patnubay ang mga rehistradong botante sa eleksiyon ngayong Mayo.

Ayon kay Lawyer Jugeeh Deinla, acting city Comelec officer, ang mga kapitan at opisyales na ang magbibigay ng kopya sa bawat botante sa kani-kanilang lugar.

Aniya, nakatakda din ang Comelec na magbahagi ng VIIS sa susunod na linggo sa mga malalaking lugar rito.

Sa ilalim ng information sheet, maaari nilang tignan ang paraan para makita ang sample ballot sa kanilang bayan o lungsod gamit ang Comelec website partikular na sa http://www.comelec.ph.

Kabilang rin sa VIIS ang mga paraan at direksiyon upang bigyan gabay ang mga tao sa tamang pagboto, paliwang niya.

Gayunpaman, tiniyak ni Deinla na mabibigyan ng VIIS ang 64,268 na bilang ng botante sa lungsod.

Si Deinla ay isa sa mga nagsilbing panauhin sa “Kapihan sa Ilocos” radio program noong ika-24 ng Abril sa opisina ng Philippine Information Agency. (MCA/MHH PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s