Tagalog news: BIR La Union nagbukas ng libreng pasilidad para sa mga ‘taxpayers’

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 22 (PIA) — Naglunsad kamakailan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) District Office III dito ng pasilidad para maging masmabilis at madaling transaksyon ng mga nagbabayad ng buwis sa mga serbisyo ng BIR.

Tinagurian itong E-Lounge at ang pasilidad ay isang pampublikong silid na may kompyuter at internet, gaya ng karaniwang internet café, na kung saan libreng gamitin ng mga nagbabayad ng buwis upang magamit ang mga serbisyo ng BIR sa internet.

Ang e-lounge kiosk ay nasa tanggapan ng BIR dito, na isa lamang sa 40 na distrito na nabigyan ng ganitong pasilidad.

Ayon kay Lucita Rodriguez, taxpayer assistance service officer, ang pasilidad ay magbibigay ng masmadaling paggamit ng serbisyo ng BIR sa internet gaya ng e-FPS, e-REG, e-Accreditation and e-Submission, at iba pa.

“Ang pasilidad na ito ay libreng gamitin ng mga taxpayers upang magamit ang mga serbisyo ng BIR sa internet, gayundin upang madagdagan ang mga gagamit ng mga serbisyo ng BIR upang mapahusay pa lalo ang serbisyo para sa mga nagbabayad ng buwis,” sabi ni Rodriguez sa nakaraang paglulunsad ng pasilidad sa Tan building, rito.

Maaari ding i-download ang mga 31 na form ng BIR sa pasilidad na ito.

Ayon kay Ives Q. Nisce, isa sa top taxpayers ng lalawigan, ang pasilidad ay parehong makakatulong at makakapagpabilis ng trabaho sa mga bookkeepers dahil sinisigurado nito ang kaligtasan ng perang ibinabayad at nakakabawas din ng alitan ng mga bookkeepers at empleyado ng BIR dahil wala nang face-to-face transaction at samakatuwid ay magkakaroon ng mas mabisang koleksyon.

Dagdag naman ni Atty. Arnel Guballa, regional director ng BIR sa Ilocos, parehong makikinabang ang mga empleyado ng BIR at mga nagbabayad ng buwis sa pasilidad dahil mababawasan ang trabaho ng bawat panig kumpara sa regular na pagbabayad. (MCA/MBR-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s