Tagalog news: Bagong ‘warehouse’pinasinayan ng DSWD sa bayan ng Bauang

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 22 (PIA) — Pinasinayaan kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang bagong warehouse na imbakan ng mga relief food packs sa barangay Urayong sa bayan ng Bauang.

Ayon kay Allan O. Lulu, DSWD information officer rito, ang warehouse, na nagkakahalaga ng mahigit P2.5 milyon, ay magsisilbing imbakan ng mga pagkain na siyang gagamitin para sa operasyon tuwing may kalamidad.

Ang ahensiya ay naglagak rin ng mga indibidwal na siyang mangangasiwa sa bodega bilang tugon sa Memorandum Circular no. 25 o Organization of the Disaster Risk Reduction and Response Operations Office.

Dagdag pa niya, ang mga ito ay may tungkuling panatilihin ang regular na inspeksiyon ng mga pagkain o kagamitan upang maiwasan ang pagkasira nito kasama na ang pagbabalot ng mga ‘family food packs’ nang sa ganun ganap na masuri ang kondisyon ng mga pagkain gayundin, mailayo ito sa mga hayop na gaya ng daga.

Bukod dito, sila ay tutulong sa paglalabas at pagbibigay ng mga pagkain sa mga lokal na pamahalaan, national government organizations at legislative staff, pag aayos ng mga bagong bili at ipinagkaloob na kagamitan pati na rin sa pagtatala ng mga resibo, paliwanag ni Lulu.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagpapasinaya ay sina DSWD Regional Director Marcelo Nicomedes J. Castillo, Office of the Civil Defense Regional Director Melchito Castro, chairperson ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council, Rev. Ryan Abellera, opisyal at kawani ng DSWD. (MCA/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula kay Allan O. Lulu/DSWD)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s