Tagalog news: La Union Arts workshop inilunsad ngayong bakasyon

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 19 (PIA) — Isang workshop ukol sa sining ang inilunsad ngayong bakasyon ng Artists Guild of La Union at panlalawigang pamahalaan rito para sa mga bata, kabataan at may edad na upang mapagbuti pa ang kanilang talento at kasanayan.

Ayon kay Justin Paul Marbella ng Provincial Information and Tourism Office, ang workshop ay may layunin ding itaguyod ang ‘Silid ti Adal ken Laing ti La Union’ o La Union Art Gallery kung saan tampok ang maraming malikhaing gawa ng mga La Union artists.

Dahil dito matutunghayan ang iba’t ibang sesyon na kinabibilangan ng arts play, arts and craft, pen and ink at pastel at oil painting. Ang bawa’t serye ay isasagawa kada isang linggo at magtatapos sa ika-24 ng Abril.

Aniya, P2,600 ang bayad para sa pagpapatala sa mga bata habang ang sesyon para sa mga kabataan at matatanda ay P1700 hanggang P2,000.

Dagdag pa ni Marbella, makakatulong ang workshop para matutunan ng mga kalahok ang iba’t-ibang paraan at elemento ng sining.

Kaugnay rito, ang bawat estudyante o kalahok ay mabibigyan ng “certificate of completion” pagkatapos ng workshop gayundin, maipapamalas ang kanilang mga gawa sa isang mini exhibit.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa (072)242-5550 Loc. 218, 607-4286 o kaya’y mag-iwan ng komento sa https://www.facebook.com/pitolaunion?fref=ts. (MCA/MHH PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s