Tagalog news: Comelec nagbabala sa mga pampublikong sasakyan sa pagkakabit ng ‘campaign posters

LUNGSOD NG LAOAG, Abril 19 (PIA) — Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga may-ari ng pampublikong sasakyan sa posibleng paglabag sa batas bunsod ng paglalagay ng mga “campaign materials” ng mga pulitiko.

Ayon kay Atty. Joel Gines, nakatalagang Comelec officer sa Ilocos Norte, maaaring bawian ng prangkisa ang sasakyan na mahuhuling nagpapagamit sa mga pulitiko bilang sabitan ng mga campaign posters para sa nalalapit na eleksyon.

“Alinmang pampublikong lugar, maliban sa mga itinalaga ng Comelec bilang ‘common posting area’ ay bawal sabitan ng mga campaign materials, ito ay nakasaad sa batas at maaaring mapatawan ng karampatang parusa ang sinumang lalabag dito” sinabi ni Gines.

Paglilinaw pa niya, “Ang mga pampublikong sasakyan ay kabilang sa mga sinasabi nating pampublikong lugar sapagkat nagtataglay sila ng prangkisa bilang “pampubliko,” aniya.

Kabilang dito ang mga traysikel, jip, bus at iba pang sasakyan na nagtataglay ng prangkisa bilang mga pampublikong sasakyan.
Sinabi pa ni Gines na ang pagbabawal sa paggamit ng mga pampublikong lugar bilang lagayan ng mga campaign materials maliban sa itinalaga ng Comelec ay nakasaad sa ilalim ng batas.

“Hindi basta-basta maco-convert ang public utility vehicle bilang private car, may prangkisa sila na nagsasaad na sila ay para sa publiko at dadaan din sa proseso ang lahat ng iyan,” aniya.

Matamang sinusubaybayan ngayon ng Comelec ang mga kandidatong lalabag sa nasabing direktiba.

Sa darating na Abril 22, magsasagawa ang Comelec ng pagbabaklas sa mga campaign materials sa mga maling lugar kasama ng mga pangunahing ahensya sa lalawigan.

Kabilang dito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Information Agency (PIA), Non-Government Organizations (NGOs) at sektor ng media.

Ang aktibidad ay kabilang sa programang “Operation Baklas 2013” ng DENR. Layunin nito na iligtas ang mga puno laban sa mga pako dala ng hindi makatarungang pagsasabit ng mga campaign paraphernalia dito. (MCA/CJDG, PIA-1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s