Tagalog news: PNP sa Ilocos handa na sa eleksyon sa May

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 18 (PIA) — Handang-handa na ang mga pulisya sa rehiyon uno para sa pagtitiyak ng katiwasayan at seguridad sa komunidad sa darating na halalan, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) dito.

Ani Senior Supt. Angelito Dumangeng, chief for regional operations sila’y nakapagsagawa na ng mga pagpupulong kasama ang Arm Forces of the Philippines (AFP) at pagsasanay upang matukoy kung saan dapat ilalagay ang kanilang mga kawani sa eleksiyon gayundin, mauri ang mga kagamitang kinakailangan ng iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa rehiyon.

Sa katunayan, ang PNP ay mayroong mga pangunahing programa tulad ng “peace covenant signing” at “unity walk” para maitaguyod ang adbokasiyang patas, tapat at ligtas na halalan ngayong 2013, tugon ni PSupt Rolie M. Saltat, acting chief of the Regional Police Community Relations Division.

Aniya, ang mga naturang aktibidad ay halos malapit nang matapos sa apat na probinsiya ng rehiyon at pinaliwanag niyang may ilang bayan pa tulad ng Balaoan dito sa La Union ang hindi pa nagsagawa nito dahil wala umano silang kalaban.

Bagamat, tinututukan namin ngayon ang probinsiya ng Pangasinan dahil mayroong ditong 13 probinsiya na napabilang sa “priority areas of concern” at kami ay nakikipag-ugnayan sa AFP upang sila’y magbigay ng kanilang puwersa na magsisilbing aming kaagapay sa pagtitibay ng mga hakbang ukol sa seguridad, diin pa ni Saltat.

Sina Dumangeng at Saltat ay naging panauhin sa “Kapihan sa Ilocos” radio program ng Philippine Information Agency dito sa lungsod kamakailan. (MCA/MHH PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s