Tagalog news: Panatilihin ang magandang estado ng pangungutang – BSP

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 17 (PIA) — Pinapayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga tao na panatilihin ang magandang estado ng pangungutang na napapanahon sa selebrasyon ng Credit Consciousness Week ngayong Abril 24 hanggang 30.

May tema na “Sa Tamang Paggamit ng Pautang, Bayan ang Makikinabang” masisiguro na mabibigyang kaalaman ang publiko kung paano makakatulong ang magandang estado ng utang na mapabilis ang transaksyon sa pangungutang.

Halimbawa, masmabilis ang pagproproseso at pag-apruba sa may magandang estado ng utang habang ang pagkakaroon ng masamang tala ng pangungutang ay maaaring mareject o masmahirap at mahabang proseso ng pag-utang.

Ayon sa BSP, mapapanatili ng mga tao ang magandang estado ng utang sa pamamagitan ng maagang pagbabayad ng utility bills, gastusin pang-medikal, credit card at iba pa.

Bilang bahagi ng selebrasyon, lahat ng bangko at mga tanggapan ng BSP ay inaanyayahang makilahok sa mga aktibidad upang maitaguyod ang pagdiriwang ng Credit Consciousness Week.

Kabilang sa mga aktibidad ay paglalathala ng pagdiriwang sa publiko, paglalagay ng display sa mga counter, paglalagay ng streamers, pagbibigay ng giveaways, raffle draws at mga insentibo.

Sa La Union, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng La Union Bankers Association.

Ang pagdiriwang ng Credit Consciousness Week ay nasa ilalim ng mandato ng Presidential Proclamation No. 568. (MCA/MBR-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s