Tagalog news: Grupo ng mga Ilokano, pinalakas, laban sa kahirapan at climate change

LUNGSOD NG VIGAN, Abril 8 (PIA) — Lalo pang pinalakas ang samahang binuo ng mga Ilokano, upang magsilbing puwersa at kabalikat ng pamahalaan para labanan ang kahirapan at ang pagbabago ng panahon o “climate change.”

Ang “Salinong ti Ilokandia” na nabuo pa noong nakaraang taon ay mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad ng mga maliliit na negosyante, magsasaka at mangingisda.

Ayon kay Meynard Tumacdang, pangulo ng grupo, nabuo ang “Salinong” ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay — isang bubong kung saan maaaring makisilong o maki-sukob, at ito ay mahalaga lalo na sa panahon ng krisis dahil ito ay magsilbing “partner” o kabalikat ng pamahalaan para sa kaunlaran.

“Dahil tumitindi na ang epekto ng Climate Change (pagbabago ng panahon) at Global Warming (pag-init ng mundo), nakikpag-ugnayan ang grupo namin sa mga iba’t ibang sangay ng pamahalaan para makatulong sa national greening program at food production program,” idiniin pa ng pangulo ng Salinong.

Sa pamamagitan ng nilagdaang “Memorandum of Agreement” (MOA) ng Philippine Coconut Authority (PCA) at Salinong ti Ilokandia, napagkalooban ang grupo ng 18,000 seed nuts at seedlings na maitatanim sa mga kabundukan sa lalawigang ito.

Sinabi ni Tumacdang na may P2.2 milyon na paunang pondo ang asosasyon sa tulong nina Gob. Luis “Chavit” Singson at dating Congressman Eric Singson para sa “Saranay” project ng grupo na natutulungan ang mga maliliit na negosyante sa pamamagitan ng loan na maliit lamang ang interest.

“Noon maraming umuutang sa mga Bumbay na sobrang taas ang interes na binabayaran kaya marami sa kanila ang tumigil na sa pagnenegosyo ngunit nang masimulan ang “Saramay” napagkakalooban sila ng P5,000 na puhunan at babayaran lamang ng P100 kada buwan,” sinabi pa ng preseidente ng Salinong.

Kung may mamatay na miyembro o kapamilya nila, tutulong din ang asosasyon na nagbibigay ng “Saranay” na umaabot ng P30,000 para sa naulila na nakakatulong sa panahon ng pagdadalamhati, ayon kay Tumacdang.

May annual membership fee na P100 bawat miyembro na idinedeposito sa bangko kabilang na ang mga nasisingil sa mga nagbabayad ng loan para magsilbing revolving fund para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga kasapi maliban pa sa “Saranay.”

Sinabi ni Tumacdang na may mahigit na 15,000 na ang miyembro ng “Salinong” na may limang opisyal sa bawat barangay lalo na sa Segundo Distrito, na karamihan ay mula sa League of Civil Societies. Ang opisina o headquarters ng “Salinong” ay nasa Barangay San Jose sa lungsod ng Candon. (MCA/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s