Tagalog news: Di kailangan ang ‘Permit to campaign’: Malayang makakangampanya ang mga kandidato sa mga liblib na pook – Army

LUNGSOD NG VIGAN, April 5 (PIA) — Walang dapat katakutan ang mga kandidato sa pangangampanya sa mga kabundukan at iba pang liblib na pook sa Ilocos Sur, na kabilang sa 15 priority provinces ng bansa, dahil walang problema sa insurhensya sa lalawigan.

Ito ang binigyang-diin ni Col. Desiderio Alava, commanding officer ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army na naka-base sa Narvacan, sa pakikipanayam ng media sa naganap na Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa Baluarte sa Heritage City kamakailan.

“Hindi dapat mabahala ang mga kandidato sa pangangampanya sa mga upland towns dahil walang nangyayaring terroristic activities sa probinsya. Kaya wala ng permit to campaign o permit to win mula sa mga rebeldeng grupo,” ani Alava.

Sinabi ng opisyal ng Army na walang naiulat na “sightings” ng New People’s Army (NPA) na gumagala sa mga liblib na pook sa probinsya batay sa pagpapatrolya ng militar sa mga dating NPA infested-areas sa mga kabundukan.

“Walang naiulat na extortion activities ng mga rebeldeng NPA sa mga national at local candidates na nangangampanya sa probinsya,” sinabi ni Alava “bagamat kabilang ang Ilocos Sur sa mga 15 lalawigan na nasa high risk areas ngunit kumpara sa ibang lugar mas okey ang peace and order situation dito,” dagdag pa ni Alava

Patuloy ding ipinapatupad ng Army sa pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ang “Bayanihan” sa mga depressed areas para makipagtulungan sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga naninirahan sa mga kabundukan.

Samantala, pumirma ang mga kasapi ng Ilocos Sur Mayors League ng manipesto para hilingin sa Department of Interior and Local Government (DILG) na alisin sa listahan ng mga High Risk provinces ang Ilocos Sur para hindi mabahala ang mga posibleng dayuhang kapitalista na magtatayo ng negosyo sa itinuturing na “First Class Province.”

Ayon kay Pol. Sr. Supt. Dennis Basngi, provincial Director ng PNP, na bagamat may mga krimeng nagaganap kabilang na ang mga riding in tandem criminals mula Enero hanggang Marso, ngunit wala pang naireport na election-related cases. (MCA/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s