Tagalog news: DENR-La Union magkakaroon na ng sariling gusali

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 4 (PIA) — Magkakaroon ng ng sariling gusali ang City at Provincial Environment and Natural Resources Office sa loob ng government center dito.

Ayon kay Filipina Atabay, information officer ng Penro, ang 424 metro kwadrado na pagpapatayuan ng gusali ay iginawad ng pamahaalaang probinsiyal sa ilalim ng kasunduan na kung saan ang ahensiya ay magbabayad ng P1 kada taon.

“Ang panukalang gusali ay nasa lugar kung saan naroon ang karamihan ng ahensiya ng gobyerno. Ang Penro at Cenro ay mas malapit na sa mga kliyente ng Land Registration Authority na napakalapit lamang sa mga ahensiyang ito,” aniya.

Ayon pa kay Atabay, ang pagkakaroon ng sariling gusali ng ahensiya ay matagal ng pangarap dahil nangungupahan lamang sila ng 25 taon.

Ang dalawang palapag na gusali na may parking area ay gagawin ng Performance Builders and Development Corp. Ang unang palapag ay gagamitin ng Penro habang ang ikalawang palapag naman ay gagamitin ng Cenro.

Nabigyang papuri naman si Samuel Songcuan, provincial environment and natural resources officer, sa kanyang pagsisikap upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng sariling gusali ng ahensiya.

Samantala, dinaluhan naman ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources, Penro, Cenro ang groundbreaking ceremony noong Marso 25. (MCA/MBR-PIA 1 La Union may kaakibat na Ulat mula Penro/FFA)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s