Tagalog news: 163 na estudyante sa Ilocos kabilang sa ‘2013 science scholars’

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 4 (PIA) — May kabuuang 163 na nagtapos ng sekondarya dito sa rehiyon ang matagumpay na pumasa sa eksaminasyon hinggil sa 2013 Science and Technology (S&T) scholarship noong Nobyembre 18.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST) rito nitong Miyerkules, mayroong 3,597 mag-aaral ang pasado base sa 25,696 na kumuha sa buong bansa.

Sa rehiyon uno, may 147 ang makikinabang sa Science and Technology Scholarship Program na siyang nasa ilalim ng Republic Act 7687 o Science and Technology Scholarship Act of 1994 at 16 naman sa Merit Scholarship Program, tugon ni Rachel S. Jose, DOST project assistant.

Base sa R.A. 7687, ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap at walang kaya ngunit karapat-dapat na estudyante samantalang, ang merit scholarship na programa ay para sa mga estudyante na ang pamilyang kita ay mas mataas ‘poverty threshold level’ na itinakda ng National Statistics Coordinating Board.

Dagdag ni Jose ang mga nauring benepisyaryo ay mabibigyan ng libreng matrikula, sustento sa libro, uniporme sa PE at NSTP at transportasyon. Ngunit, sa bahagi ng mga mag-aaral na nasa labas ng kanilang probinsiya, sila ay mabibigyan ng pamasahe papunta at pauwi mula sa pamantasan kanilang papasukan.

Mayroong din silang buwanang pangkabuhayang panggastos, “group health at accident insurance,” gayundin, “post-graduation clothing allowance.”

Bukod dito, ang mga iskolar ay maaaring magpalista sa mga State Universities and Colleges at sa iba pang mataas na institusyon na kinikilala ng Commission on Higher Education bilang sentro ng karangalan o pagpapaunlad.

Ayon sa DOST, sila ay magpapadala ng notice o abiso bilang paraan ng pagbibigay-alam sa kanila ng iskedyul ng kanilang scholarship orientation at kasunduan ukol sa scholarship at iba pang dokumentong kinakailangan nilang isumite.

Ang mga pumasa ay maaari ring magsadya sa tanggapan ng DOST o S&T centers sa apat na probinsiya dito. (MCA/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula sa DOST1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s