Tagalog news: Pribadong pamumuhunan tumaas, pangangalakal bumaba sa Ilokos

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 3 (PIA) – Tumaas ang pribadong pamumuhunan at turismo habang ang panlabas na kalakal o export ng rehiyon ay bumaba sa taong 2012 kumpara noong 2011, ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA sa Ilokos.

Ayon kay Juan Ngalob, direktor ng NEDA Ilokos, ang mga pribadong pamumuhunan ay tumaas mula P4.22 bilyon sa P5.83 bilyon noong nakaraang taon o 38.4 porsiyentong paglago nito.

Ang pamumuhunan sa mga prayoridad na industriya ay tumaas din ng 40 porsiyento mula P0.86 bilyon sa P1.2 bilyon gayundin ang lokal na pagbenta ay tumaas ng 38 porsiyento mula P555.3 milyon sa P761.9 milyon noong nakaraang taon.

Ang turismo naman ay tumaas ng 23.08 porsiyento mula 510,014 turista na bumisita rito noong 2011, mayroong 627,725 turista naman noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Ngalob, ang positibong pag-unlad noong nkaraang taon ay dahil sa papataas na pagnenegosyo sa larangan ng paggawa o konstruksyon (na may 45 porsiyentong paglago), produksyon ng tabako (26.2 porsiyentong), at industriyang pang-agrikultural (14.6 porsiyentong paglago).

Mayroong 67.8 porsiyentong pagtaas ng mga pagbisita ng dayuhan at 21 porsiyento naman sa mga lokal na turista.

Sabi pa niya na ang pribadong pamumuhunan sa rehiyon ay nahigitan na ang 15 porsiyentong target na nakasaad sa Regional Devlopment Plan.

Gayunman, nakaranas ang rehiyon ng pagbaba ng 13.3 porsiyento sa larangan ng panlabas na kalakal na $37.1 milyon noong 2011 sa $32.2 milyon lamang noong 2012.

Ayon kay Ngalob ang pagbaba sa panlabas na kalakal ay dahil sa mababang kita ng kasangkapan, kahoy, at iba pang lokal na produkto.

Iba pang industriya gaya ng seramiko, mataas na uri ng alahas, kasuotan, at mga dekorasyon ay walang naitalang kita noong nakaraang taon.

“Patuloy na magiging hamon ang panlabas na kalakal sa rehiyon dahil inaasahan natin ang kita mula sa industriya ng tabako. Gayundin ang pagpaalawak ng ‘export’s base’, pagpapaunlad sa mga bagong produkto at magtatag ng koneksyon sa merkado na makaktulong sa pagtaas ng pangangalakal ng rehiyon,” dagdag pa ni Ngalob.

Sabi niya na ang Pangangalakal, industriya at turismo ng RDC Sectoral Committee ay magpapatuloy na itataguyod ang rehiyon bilang lugar ng pamumuhunan sa pamamagitan ng pagbuo ng regional competitiveness council upang pataasin kompetisyon sa rehiyon, pag-ibayuhin ang pamumuhunan, maitaguyod ang ‘one-town-one-product’, magtatag ng mga proyekto upang suportahan ang micro, small and medium enterprises, gayundin ang turismo sa rehiyon. (MCA/MBR-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s