Tagalog news: Dahil sa tobacco excise tax, Ilocos Sur, hindi nahuhuli sa pag-unlad

LUNGSOD NG VIGAN, Apr. 2 (PIA) — Hindi nahuhuli sa pag-unlad ang Ilocos Sur dahil unti-unti na ring tinatamasa ng mga naninirahan sa mga pinakaliblib na pook sa kabundukan ang dulot ng progreso sa tulong ng pamahalaan.

Ito ang binigyang-diin ni Congressman Ryan Singson, bunsong anak ni Gob. Luis “Chavit” Singson, sa naganap na press conference sa Baluarte sa Heritage City noong nakaraang Linggo.

“May mga kritiko ng gobyerno na nanlilinlang sa mga kababayan na sinasabi nilang ang lalawigan daw ang “the poorest province ng bansa,” ani Singson.

Ayon kay Singson, hindi nakikita at nararamdaman ng mga kritiko ang mga proyekto at serbisyong ipinatupad ng pamahalaan sa probinsya lalo na sa mga upland towns at iba pang depressed areas na kung saan naninirahan ang mga kababayang kabilang sa mga “poorest of the poor.”

Dahil sa pondo mula sa RA 7171 o excise tax ng tabako, sinabi ni Singson, na naitayo ang mga farm-to-market roads, tulay, eskuwela, public market, covered court, health center, at pagbibigay ng mga kagamitag pang-agrikultura, pang-edukasyon, pangkalusugan, pang-turismo at livelihood projects.

Sinabi ni Singson na sa unang termino niyang mambabatas tinutukan niya ang mga pro-poor programs tulad ng pagbibigay ng farm equipment tulad ng tractors, para sa mga maliliit na magsasaka at fish cage at feeds ng bangus at tilapia para sa mga mangingisda at proyektong pangkabuhaya sa grupo ng mga kababaihan pati mga kabataan maliban pa sa mga naitayong classrooms na may computers sa mga liblib na pook.

Sinabi ng Kongresista na sa mga nailunsad na Kapitol Outreach Program na pinangungunahan nina Gob. Chavit, na siya rin noon ang awtor ng RA 7171, at Bise –Gob.r Deogracias Victor “DV” Savellano sa mga liiblib na pook sa lalawigan mula pa noong 2010 “mismong ang Kapitolyo ang pupumunta sa mga upland towns para maiparating ang mga iba’t-ibang programa at serbisyo ng pamahalaan kabilang na ang Medical Mission at pamimigay ng Philhealth cards sa mga maralitang pamilya

“Malaking tulong ang pundo ng RA 7171 para mapaunlad ang pamumuhay ng mga kapuwa nating Ilokano kabilang na ang mga taga- Ilocos Norte, La Union at Abra, “ sinabi ni Ryan “at ito ay angkop sa mga pro-poor programs ni Presidente Aquino para malabanan ang kahirapan batay sa adhikain ng UN “Millennium Development Goals” (MDG’s). (MCA/BPP- PIA 1/ Ilocos Sur).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s