Tagalog news: San Fernando City nagpatupad ng apat na araw ng pagtratrabaho sa Abril, Mayo

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 2 (PIA) — Muling nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando ng apat na araw ng pagtratrabaho simula ngayong Abril at Mayo.

Ayon kay Pablo C. Ortega, alkalde ng lungsod, ito may layuning bigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng mas maraming oras upang makasama ang kani-kanilang pamilya ngayong bakasyon.

Base sa direktiba, simula Lunes hanggang Huwebes ang mga manggagawa ay kinakailangang pumasok ng alas siyete ng umaga at umuwi ng alas sais ng gabi.

Ngunit, ang mga kawani ng health office ay hindi kasali sapagka’t silay 24 oras na naglilingkod sa trabaho.

Dagdag pa ni Ortega, ang panukalang ito ay maaaring maging isang mabuting paraan para labanan ang masamang epekto ng El Niño gayundin, sa pagsasaalang-alang at pagpapanatili ng kuryente at iba pang may kinalamang ukol sa gastusin sa mga tanggapan.

Ito rin ay bilang tugon sa Administrative OrderNo. 117, ng dating pangulong Gloria Arroyo na nagsasabing puwedeng magtrabaho ng apat na araw lingguhan sa buwan ng Abril at Mayo ang lahat ng mga kawani ng lahat ng opisina ng gobyerno maliban sa mga “front-line agencies”

Ang naturang direktiba ay epektibo hanggang ika-31 ng Mayo. (MCA/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula sa San Fernando City Media Bureau)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s